Kung gininaw kayo noong nakaraang Pasko, baka mas ginawin pa kayo ngayon (Kuha ng mga nanay at anak ng pamilya Carnay at Villanueva) |
Nagpa-alala ang Hong Kong Observatory sa publiko na magbalot pa nang mas maigi dahil maging mas malamig pa ngayong araw ng Lunes at Martes.
Nitong Linggo lang ay bumagsak ang temperatura
sa 9.4 degrees Celsius sa malaking parte ng siyudad, ang pinakamalamig na araw
na naitala sa Hong Kong sa buong nagdaang taon.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Pero sa New Territories, sa Peak at maging sa
Kwun Tong ay mas mababa ang naitalang temperature.
Pagdating ng 4:30 ng hapon kahapon, mahigit 20
distrito sa Hong Kong ang nagtala ng mas mababang temperatura, kabilang ang
Clear Water Bay at Kwun Tong kung 7.4 degrees ang naitalang lamig.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Sa Tai Mo Shan, ang pinakamataas na parte ng
Hong Kong, naitala ang 0.2 degrees; samantalang sa Peak ay 5.7 degrees naman.
Dahil inaasahang mas lalamig pa sa susunod na
dalawang araw, malamang na magka frost o yelo daw sa bandang hilaga ng New
Territories.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Gayunpaman, bahagyang tataas ang temperatura sa
ilang araw pang susunod, bagamat mananatiling malamig tuwing umaga at gabi.
Nagpaalala din ang gobyerno sa lahat na
protektahan ang sarili sa lamig, lalo na yung mga may edad o maysakit.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Sabi ng Centre for Health Protection, mas
kaunti daw ang taba na nasa ilalim ng balat ng mga may edad kaya mas lamigin
sila at malapit sa sakit, lalo na yung may kinalaman sa puso o paghinga.
Hirap din silang lumakad at gumalaw, kaya
hindi nag-iinit ang kanilang katawan katulad ng mga mas bata at maliksi ang
kilo sa kanila.
BASAHIN ANG DETALYE |
Iyon namang may sakit ng alta presyon, diabetes
o problema sa endocrine, posibleng lumala ang kanilang kundisyon kapag biglang
bumagsak ang temperatura kaya kailangan nilang magsiguro at magbalot nang
husto.
Sabi ng CHP, siguraduhing balot ka mula ulo
hanggang paa para iwas-sakit, kumain ng sapat, mag ehersisyo, iwasang
maglabas-labas dahil mas malamig sa labas ng bahay, at ingatan ang paggamit ng
heater.
Taliwas sa alam ng marami, hindi dapat uminom
ng alak kapag maginaw dahil mas mapapabilis nito ang pagkawala ng init sa
katawan, sabi ng CHP.
Kapag sumama ang pakiramdam, kumunsulta agad
sa doktor.
Para sa pinakahuling balita tungkol sa lagay
ng panahon, maaring tumawag sa infoline ng CHP (2833 0111) o sa Dial-a-weather
(1878 200); o bisitahin ang website ng HK Observatory: Hong Kong Observatory (hko.gov.hk)
PADALA NA! |
PRESS FOR DETAILS |
CALL US! |