Magpapasko ang isang Pilipinang domestic helper sa kulungan matapos masentensyahan ng walong buwang pagkabilanggo matapos umaming nagnakaw ng $1,000 sa kanyang amo at gumawa ng dalawang pekeng $1,000.
Magkahiwalay ang sentensiyang ipinataw kay Maribel Erejer sa
dalawang kasalanan – apat na buwan para sa pagnanakaw at walong buwan para sa
pamemeke ng salapi, na itinuturing na isang mabigat na krimen sa Hong Kong --
para sa kabuuang 12 buwan.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Pero dahil inutos ni Magistrate Lam Tsz-kan ng Kwun Tong Court
na sabay na pagsilbihan ni Erejer ang dalawang parusa, naging walong buwan ang
pagkakakulong niya.
Nauna nang inakusahan si Erejer ng pagnanakaw ng P1,000 sa
kanyang among nakatira sa Marina Cove sa Sai Kung noong Oct. 7, na labag sa
Theft Ordinance.
Nadagdagan ang kaso nya nang madiskubre ng mga pulis habang
siya ay iniimbestigahan, ang dalawang piraso ng $1,000 na kinopya mula sa
ninakaw na pera.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
BASAHIN ANG DETALYE |
Ito ay paglabag sa Crimes Ordinance na nagtatakda ng parusang
aabot sa tatlong taong pagkakulong sa mga nangopya lang ng salapi nang walang pahintulot,
depende sa bigat ng kasalanan, at hanggang 14 taon kung ginawang malakihan ang
paggawa ng pekeng salapi.
PADALA NA! |
PRESS FOR DETAILS |
CALL US! |