Umamin ang Pilipina na kumupit ng $500 sa pitaka ng amo |
Dahil nangupit ng $500 sa pitaka ng amo niya, isang Pilipinang domestic helper ang ikinulong nang 10 araw matapos ang pagdinig ngayon sa Eastern Magistracy.
Inamin ni A. Lacwayan, 35 taong gulang, ang paratang
nang iharap siya kay Magistrate Edward Wong, na agad namang nagbigay ng hatol.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ang dapat na parusa kay Lacwayan ay 15 araw na kulong base sa itinakdang panuntunan sa korte, pero binawasan ni Magistrate Wong ng 1/3 dahil inamin niya agad ang paratang, kahit noong iniimbestigahan pa siya ng pulis, kaya nauwi sa 10 araw ang kulong
niya.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Nangyari ang nakawan noong Dec 8, nang madiskubre ng amo ni
Lacwayan na nawawala ang isang $500 sa kanyang pitaka sa kanilang bahay sa
Regalia Bay sa Stanley, Hong Kong.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Tumawag ng pulis ang amo at sa imbestigasyon noong Dec. 13 ay
inamin niya na siya ang kumuha ng pera.
Ayon sa kanyang abogado, nasa ikalawang kontrata na si
Lacwayan sa kanyang amo nang mangyari ang nakawan.
BASAHIN ANG DETALYE |
Nag-iisa siyang tumataguyod sa anak na lalaki na siyam na
taong gulang, at iniwan niya sa pagangalaga ng kanyang mga magulang sa Pilipinas.
Hindi rin kayang ibalik ng nasasakdal ang pera sa amo, dagdag pa nito.
PADALA NA! |
PRESS FOR DETAILS |
CALL US! |