By The SUN
Kaya daw patunayan sa korte ng nasasakdal na ibinigay ng amo ang mga alahas sa kanya |
Mariing itinanggi ng isang Pilipinang kasambahay ang tatlong
paratang na ninakawan niya ng mamahaling alahas ang kanyang amo nang humarap
siya sa Eastern Magistracy kaninang umaga, Dec 20.
Ayon kay Marilou Roquero Dequilla, 56, ang mga alahas na nabanggit sa paratang ay pawang bigay sa kanya ng kanyang dating amo na si Esther Ma na nakatira sa South Bay Close.
Ito ay kinabibilangan ng isang kuwintas na brilyante na may itim na batong palawit, isang kuwintas na may palawit na brilyante at ginto, at isang palawit na ginto. Walang binigay na kabuuang halaga ng mga alahas.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Base sa paratang, nangyari ang mga nakawan sa magkakahiwalay na insidente sa petsang Mayo 13, Hunyo 23 at Hulyo 30 ng kasalukuyang taon.
Ayon sa tagausig, mayroon silang mga testigo na magpapatunay sa pagnanakaw, kabilang ang anak na babae ng amo. Mayroon din silang dalawang video na gagamitin na ebidensya.
Hindi naman tinutulan ng abugado ni Dequilla na mula sa Duty Lawyer Service ang sinumiteng ebidensya.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Hindi pa agad malaman kung ano ang nilalaman ng video.
Nang tinanong ni Mahistrado Ivy Chui kung tutol si Dequilla sa sinasabi na kusang loob nitong pahayag sa pulis, at kung nabigyan siya ng sapat na babala tungkol dito, sinabi ng abugado na wala silang pagtutol dito.
Pero dagdag ng abugado, papatunayan daw nila na ibinigay ng amo kay Dequilla ang mga alahas kahit wala silang tatawaging testigo sa paglilitis.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Nagpaabot din ang abugado na gusto nitong makita ang salin ng salaysay ni Dequilla sa mga imbestigador na pulis.
Inutos ni Mahistrado Chui ang magkabilang panig na magsumite ng pirmadong pagpapatunay ukol sa lahat ng detalye ng kaso dalawang araw bago ang nakatakdang paglilitis sa Marso 3, 2023.
Ang paglilitis ay gagawin sa salitang English pero bibigyan ng tagapagsalin sa Tagalog ang akusado.
BASAHIN ANG DETALYE |
Ibinalik si Dequilla sa kulungan hanggang sa susunod na pagdinig ng kaso.
Bagamat hindi siya humiling na payagan siyang magpiyansa, sinabi ng taga-usig na mariin nilang tututulan ang anumang pagtatangka nitong makalaya pansamantala sa bisa ng piyansa.
PADALA NA! |
PRESS FOR DETAILS |
CALL US! |