|
Dapat na magbalot nang husto ngayong Linggo (mula sa FB ni Marites Palma) |
Dagdagan pa ang balot dahil tiyak na mas lalamig pa sa
mga paparating na araw, lalo na sa Linggo.
Ayon sa HK Observatory, babagsak sa 5 degrees Celsius ang
temperatura sa Linggo sa pinamataas na parte ng siyudad, ang Ta Kwu Ling, na
malapit na sa mainland China. Mas mataas lang nang bahagya sa iba pang parte ng
New Territories, kabilang ang Tai Po, Sheung Shui, Lau Fau Shan at Shek Kong,
kung saan ang temperatura ay bababa sa 6 degrees.
Sa iba pang parte ng Hong Kong katulad ng Central, ito ay
maglalaro sa pagitan ng 9 hanggang 11 degrees sa Linggo, at mas mataas nang
bahagya sa Sabado.
Dahil sa panaka-nakang pag-ulan ngayong
araw, unti-unti nang lalamig, at ang temperatura ay bababa sa pagitan ng 14 at
17 degrees.
Ang biglang paglamig ng panahon ay dahil sa paparating na
matinding “winter monsoon”, ayon sa Observatory.
Mas malamig ang mga araw na darating kaysa sa kaparehong
panahon noong 2021, kung kailan umabot sa 9.9 degrees ang temperatura noong
Dec. 27.