Nabigong kumbinsihin ng dalawang Pilipino na payagan silang magpiyansa sa Shatin Magistracy |
Dalawang Pilipino na kinasuhan ng paglabag sa Immigration
Ordinance ang tinanggihan nang mag-alok ng piyansa sa magkahiwalay na kaso ngayon
sa Shatin Magistracy, kaya ibinalik sila sa kulungan.
Sinabi ni acting Principal Magistrate David Cheung sa dalawa
na mabigat ang kinasangkutan nilang krimen, malakas ang ebidensya laban sa
kanila, at walang kasiguruhan na babalik sila sa korte sa takdang araw, dahil
wala silang tirahan sa labas.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Nabigong kumbinsihin ni June Ernie Togle, 45 taong gulang,
ang korte na palayain siya nang pansamantala kahit itinaas niya sa $10,000 ang
kanyang alok na piyansa mula $5,000, at dinagdagan pa ng $10,000 na garantiya ng
isa niyang kaibigan.
Nahuli si Togle noong Oct. 25 na nagtatrabaho nang ilegal sa
isang restaurant sa Lamma Island.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Bilang aplikante sa non-refoulement, o pagbabawal na pwersahang
pagpapauwi sa kanya, siya ay pinakalooban ng recognizance paper upang manatili
sa Hong Kong, pero bawal sa kanya ang magtrabaho o sumali sa negosyo.
Nahuli rin na kasama niya sa trabaho si Florian Funa, na may
visa bilang domestic helper.
Ayon sa Immigration Ordinance, bawal magtrabaho si Funa sa
labas ng bahay ng amo niyang nakalista sa Immigration Department. Hindi siya
ikinulong matapos payagang magpiyansa ng $1,000.
Itinakda ni Magistrate Cheung ang paglilitis sa kaso nila sa
March 13-14.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ang ikalawang tinanggihan ay si Joy Yecyec, 41 taong gulang,
na nag-alok naman ng $1,000 bilang piyansa sa isang bail review, upang
makalabas ng kulungan habang hinihintay ang susunod niyang pagdinig sa Jan. 10
sa dalawang kasong isinampa laban sa kanya ng Immigration.
Press for details |
Inakusahan siyang nagpanggap na domestic helper at nagsumite
ng pekeng kontrata noong July 22 sa Immigration Department upang mabigyan ng
visa.
Pagkalipas ng siyam na araw, gumamit siya ng pekeng impormasyon
galing dito upang makakuha ng Hong Kong ID.
BASAHIN ANG DETALYE |
Ang taong nakalagay sa kontrata bilang amo niya ay tumanggi
na nagtrabaho siya sa kanila o pinirmahan ang kontrata niya. Siya at ang asawa
nito ang testigo ng taga-usig laban kay Yecyec.
PADALA NA! |
PRESS FOR DETAILS |
CALL US! |