Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

2 Pilipina, kinasuhan ng pagnanakaw ng alahas

02 December 2022

 

stock photo by Pixabay

Dalawang Pilipinang domestic helper ang humarap sa magkahiwalay na korte ngayon matapos akusahan ng pagnanakaw ng alahas.

Itinakda sa  Dec. 5 ang paghahatol kay Virginia Tullao, 43 taong gulang, sa apat na  kasong pagnanakaw sa amo niyang nakatira sa Tai Po, New Territories ng mga alahas na ang kabuuang halaga ay $50,468.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Si Tullao ay inakusahang nagnakaw ng isang pulseras na ginto na nagkakahalaga ng $12,673 noong Aug 14, ikalawang pulseras na ginto na may halagang $12,560 noong Sept. 11, ikatlong pulseras na ginto na may halagang $12.675 noong Aug. 14, at ikaapat na pulseras na may halagang $12,560 noong Sept. 11.

Inutos ni Deputy Magistrate Fung Lim-wai ng Fanling Magistracy na ibalik muna si Tullao sa kulungan habang hinihintay ang kanyang hatol.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Sa Kwun Tong Magistracy naman ay humarap kay Acting Principal Magistrate Amy Chan si Lorna Mejia, 39 taong gulang, na akusado sa pagnanakaw ng isang brilyanteng singsing at isang pares ng hikaw na nagkakahalaga ng $73,680.

Sa asunto, hindi tinukoy ng pulis kung saan eksakto nangyari ang krimen maliban sa pagsasabing “somewhere in Hong Kong” at kung kailan, maliban sa pagsasabing sa pagitan ng November 2021 at January 2022.

Press for details
BASAHIN ANG DETALYE

Parehong inakusahan ang dalawang Pilipina ng paglabag sa Section 9 ang Theft Ordinance ng Hong Kong.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
PRESS FOR DETAILS
CALL US!
Don't Miss