Kaukulang parusa ang natamo ng dalawang Pilipina sa korte sa Kwun Tong at West Kowloon |
Dalawang Pilipina ang umamin sa pagnanakaw at napatawan ngayon ng kaukulang parusa sa magkahiwalay na pagdinig sa korte.
Si Maxima Elsie Quirit, 34 taong gulang, ay pinatawan ng apat na linggong pagkakakulong sa dalawang kaso ng pagnanakaw sa kanyang
amo sa tinitirhan nila sa Kai Yip Road sa Kowloon Bay, Kowloon.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ang unang kaso ay nangyari noong nakaraang Pebrero nang kunin niya ang isang singsing na brilyante na may halagang $40,000.
Ang ikalawa ay noong April 1, nang nakawin niya ang isang
kwintas na may palawit na krus na may brilyante, at isang gintong pulseras na
nagkakahalaga ng $11,800.
Ayon sa salaysay ng pulis na sinang-ayunan ni Quirit, siya
ang pinaghinalaan nang mapansin ng amo na nawawala ang kanyang mga alahas sa
drawer na pinagtaguan nito sa master bedroom ng bahay.
Tumawag siya ng pulis at hinalughog ang mga gamit ni Quirit.
Nakita doon ang mga resibo ng sanglaan.
Nang tubusin sa sanglaan ang nasa resibo, nakompirma na ang
mga alahas na ito ang mga nawawala ng amo. Umabot lang sa $850 ang naging sangla
sa alahas.
Sa kanyang apela upang mapagaan ang parusa ni Quirit, sinabi
ng kanyang abogado na napilitan itong magnakaw dahil nawalan ng trabaho ang
kanyang asawa sa Pilipinas kaya siya na lang ang inaasahang bumuhay sa kanilang anak na babae.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Nalubog din siya sa utang na umabot sa $20,000.
Pero sinabi ni Magistrate Minnie Wat ng Kwun Tong Court na
dahil kasama sa krimeng ito ang paglabag ng tiwala, at dahil na rin sa malaking
halaga ng mga ninakaw, hindi maiiwasan ang kulong bilang parusa.
Press for details |
Pinatawan niya si Quirit ng tig-anim na linggong
pagkabilanggo sa dalawang kaso. Dahil sa pag-amin niya, binawasan ang mga ito ng tig-dalawang linggo.
At dahil ang natirang mga parusa ay pagsisilbihan niya nang sabay, ang kabuuang
parusa ay naging apat na linggo.
Samantala, sa West Kowloon Magistracy, pinagmulta ng $1,000 si
Apryl Ruth Peningeo matapos siyang umamin na nag-shoplift sa sangay ng Wellcome
Supermarket sa Mei Foo Sun Chuen sa Cheung Sha Wan, Kowloon noong Nov. 25.
BASAHIN ANG DETALYE |
Ang ninakaw niya: tatlong pakete ng gulay, isang pakete ng
tinapay, at isang pakete ng salmon na nagkakahalaga ng kabuuang $138.
PADALA NA! |
PRESS FOR DETAILS |
CALL US! |