Ibinalik sa piitan ang dalawang Pilipinang inakusahan ng pananakaw ng alahas. (File) |
Dalawang Pilipinang domestic helper ang humarap sa magkahiwalay na korte ngayon matapos akusahang nagnakaw ng mga alahas na nagkakahalaga ng $384,000 at $292,000 mula sa kani-kanilang mga amo, at ipiniit hanggang sa susunod nilang pagdinig sa papasok na taon.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Si Ligaya
Banisal. 42 taong gulang, ay kinasuhan ng pulis ng pagnanakaw ng 18 pulseras na
ginto, dalawang singsing, apat na singsing na ginto, at siyam na kuwintas na
nagkakahalaga ng $384,000 at pag-aari ng kanyang among nakatira sa Lohas Park
sa Tseung Kwan O.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ang
pagnanakaw ay nangyari umano sa pagitan ng January 2021 at Oct. 16, 2022.
Hiningi
ng taga-usig sa pagdinig kanina sa Kwun Tong Court na ipagpaliban ang pagdinig
sa kaso upang mabigyan ng dagdag na panahon ang mga pulis na mag-imbestiga pa
at mabawi ang mga ninakaw na alahas mula sa sanglaan.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Itinakda
ni Magistrate Minnie Wat sa Feb. 7, 2023 ang susunod na pagdinig.
Dahil
walang hiling ang akusado na palayain siya sa bisa ng piyansa, ibinalik siya sa kulungan.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Samantala,
si Marivic Hitalia, 35 taong gulang, ay kinasuhan sa Shatin Court ng pagnanakaw
ng pitong kuwintas na ginto, 14 na gintong pulseras, tatlong gintong singsing, at
isang pares ng gintong hikaw.
Ang mga alahas, na nagkakahalaga ng $292,000, ay ninakaw umano ni Hitalia sa mga among taga-Ma On Shan mula Aug. 21 hanggang Oct. 28.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
BASAHIN ANG DETALYE |
Ipinagpaliban ni Acting Principal Magistrate David Cheung sa Jan. 31 ang susunod na pagdinig.
Inutos
din niyang ibalik si Hitalia sa kulungan.
PADALA NA! |
PRESS FOR DETAILS |
CALL US! |