Ang plastic bag para sa takeout ay hindi kabilang sa papatawan ng $1 na singil (RTHK photo) |
Dodoblehin na sa $1 ang halaga ng bawat plastic bag na hihingin ng mga mamimili sa mga palengke at supermarket simula sa katapusan ng Disyembre.
Pero bibigyan ng hanggang isang buwan ang mga
malaking supermarket katulad ng ParknShop at Wellcome para ito ganap na
maipatupad. Bibigyan lang muna ng babala ang sinumang lalabag, pero pagkatapos
ng takdang panahon ay maghihigpit na ang pamahalaan sa pagpapatupad.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Para masiguro ang pagsunod sa batas,
magpapanggap na mamimili ang ilang mga tauhan ng pamahalaan sa loob ng tatlong
buwan para malaya nilang maobserbahan at mahuli ang mga pasaway.
Sa una ay babala lang muna at payo ang
ibibigay daw sa mga lalabag, katulad ng dapat na ilayo nila ang mga plastic bag
sa mga self-checkout na lugar para hindi sila basta-basta makukuha ng mga
mamimili.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Inamyenda ng Legislative Council ang dating
batas na nagpapataw ng 50 cents, at dinoble ang halaga, para mas maging mahirap
sa mga mamimili ang makakuha ng plastic bag. Layon ng batas na mabawasan ang
malawakang paggamit ng plastic sa Hong Kong, na malaki ang naidudulot na
pinsala sa kalikasan.
Sa ilalim ng bagong kautusan, babayaran na ang
plastic bag na hihingin para sa mga frozen o pinalamig na pagkain katulad ng
karne.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Pero mananatiling libre ang plastic bag na
gagamitin para sa mga pagkain na pang takeaway o yung mga walang sariling
balot, katulad ng mga prutas o gulay.
Papayagan din ang mga supermarket na ipagpatuloy
ang pamimigay ng plastic bag para sa kanilang mga tindang karne at iba pang mga
pagkain na walang balot pero inaasahan na isang plastic bag lang bawat katao
ang kanilang ipamimigay.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Ang sinumang mahuling lalabag sa bagong batas
ay maaring pagmultahin ng hanggang $2,000 sa unang kaso, pero maaaring tumaas
ito ng hanggang $200,000 sa mga paulit-ulit na paglabag.
Ayon sa awtoridad, maari din nilang kasuhan
ang mga mahuhuling lumabag sa batas ng ilang beses sa loob ng isang buwang
palugit.
Ang perang makokolekta sa mga tindahan ay
mapupunta din sa kanila. Sana nga lang daw ay gagamitin nila ito na pantulong
sa pangangalaga ng kalikasan.
BASAHIN ANG DETALYE |
Ayon sa balita, lumabas sa isang pag-aaral ng
grupong NGO Greeners Action na sa mga supermarket pa lang ay umaabot na sa
mahigit 170 million na plastic bags ang naipapamahagi sa mga mamimili.
Ayon naman sa gobyerno, 21 porsyento ng lahat
ng basurang nakolekta sa mga tambakan noong 2020, o 2,312 tonelada, ay galing
sa mga itinapong plastic.
Inaabot ng ilang daan, o libong taon, bago tuluyang malusaw ang plastic, kaya hinihigpitan ng lahat ng gobyerno sa buong mundo ang paggamit nito.
PADALA NA! |
PRESS FOR DETAILS |
CALL US! |