Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Tuloy pa rin ang libreng PCR test, sabi ng gobyerno

06 November 2022

 Ng The SUN

Para sa libreng test sa community testing centre, kailangang magparehistro o mag appointment

Magpapatuloy pa rin ang libreng PCR test para sa Covid-19, ayon sa isang pahayag ng gobyerno ngayong Linggo.

Kaya lang, simula sa Martes, Nov. 8, ay dapat nang magrehistro muna sa LeaveHomeSafe app o kumuha ng appointment online. 

Ayon sa pahayag, maari din magpa test ng libre ang nasa community testing centre na basta makakuha ng QR code mula sa LHS app pagdating doon.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Walang sinabi na deadline o hangganan ang gobyerno para sa mga gustong kumuha ng QR code sa LHS app.

Ang pahayag ay bunsod ng ipinakalat na maling balita kamakailan na yung mga nakapagrehistro lang sa LHS app bago Oktubre 31 ang maaaring makapag pa test pa rin nang libre.

Ayon pa sa pahayag, ang layon lang talaga ng paggamit ng QR code mula sa app ay para mapadali ang proseso para sa testing dahil hindi na kakailanganin pang ilista isa-isa ang mga detalye ng bawat kataong nagpapa test.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Minsanan lang kasi na pagrerehistro ang kailangan ng bawat katao para mailipat ang mga personal na detalye nila sa QR code na lalabas sa LHS app.

Makakatulong din ang pagrerehistro para mabawasan ang paglalapit ng mga tao at mga tauhan sa testing centre, at maiwasan ang posibleng pagkalat ng coronavirus doon.

Ang mga tauhan sa mga community testing centre ay maaring makatulong sa sinuman para makapagrehistro sa app kapag nagpunta sila doon na walang registration QR code.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ang mga maaaring magpa test ng libre simula sa Martes ay ang mga sumusunod:

1) Ang mga isinailalim sa compulsory testing, katulad ng mga nakatira o nag-oopisina sa isang gusali na binigyan ng compulsory testing notice; 

2) Mga nagtatrabaho sa lugar na delikado katulad ng mga tirahan ng mga may edad o kapansanan (residential care homes) o sa airport; 

Press for details

3) Mga dadalaw sa mga pasyente sa pampublikong ospital o RCHs; 

4) Mga edad 60 pataas; 

5)  Mga bagong dating sa Hong Kong; at 

6)  Mga nagpapa-test ng kusa, kabilang yung nakatanggap ng text na nagsasabing mayroong may Covid-19 na tumuloy o bumisita sa isang lugar kung saan sila bumisita o nanatili din sa kaparehong oras.

BASAHIN ANG DETALYE

Ang mga residente na hindi inaatasang gumamit ng LHS app, katulad ng mga edad 65 pataas o 15 pababa o may mga kapansanan ay maaari pa ring pumunta sa mga testing centre nang hindi nagpaparehistro gamit ang app o kumukuha ng appointment sa website ng CHP.

Subalit ang mga kapamilya nila o kaibigan ay maari silang tulungan na makakuha ng testing QR code at kuhanan ito ng litrato o ipa print para may maipakita sila sa CTC para makapagpa test sila ng libre.

Para sa mga gustong magpareserba ng kanilang lugar sa alin man sa 85 na CTC o CTS (mobile stations), maari lang na magparehistro dito: booking.communitytest.gov.hk/form/index.jsp.  

Maari lang na dalhin ang anumang pruweba ng pagkakilanlan, katulad ng HK ID card at mobile phone kung saan maaring maipasa diretso sa kanila ang SMS na nagsasabi ng resulta ng kanilang test.


Don't Miss