Sumabit ang pinto ng MTR train sa dingding habang papasok ito sa Yau Ma Tei station (RTHK)) |
Libo-libong pasahero ang naperwisyo matapos madiskarel ang isang train ng MTR (Mass Rail Transit) habang papasok sa Yau Ma Tei station bandang 9:30 ngayong umaga ng Linggo, na nagsanhi ng pagkaputol ng biyahe sa Tsuen Wan line.
Maliban sa isang babaeng nagalusan na dinala sa ospital at isang
nahilo, ligtas ang lahat ng 750 pasahero na sakay ng train, kasama ang ilang
Pilipina na papunta sa Central para sa kanilang day-off.
Sinabi ni Fire Services’ assistant divisional officer Leung
Kam-wah sa RTHK na 600 sa kanila ay nakababa sa istasyon ng Yau Ma Tei, pero
ang natira ay pinalabas sa hulihan ng train at pinalakad sa tunnel papuntang Mong
Kok.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Sinabi ni Amalia Oñate sa chat room ng Domestic Workers
Corner HONG KONG na marami siyang nakitang Pilipina na stranded sa Yau Ma Tei
station, at malamang na kabilang sa mga napilitang lumakad papunta ng Mong Kok pagkalipas ng ilang minuto.
Ayon sa MTR, matatagalan pa bago magiging normal muli ang
biyahe sa pagitan ng Tsuen Wan at Central. Ngayong gabi ay nagpatuloy ang pagkukumpuni sa nasirang bahagi ng istasyon habang inaayos ng MTR ang paglalaan ng "feeder bus" bukas para sa mga pasaherong apektado ng aksidente.
Ang biyahe sa Tsuen Wan line ay hinati sa dalawang bahagi: tuwing
anim na minuto sa pagitan ng Central at Jordan, at tuwing walong minuto sa pagitan
ng Lai King at Tsuen Wan. Walang train sa pagitan ng Lai King at Jordan pero may
libreng bus na magdudugtong sa dalawang istasyon.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Upang hindi maantala sa kanilang biyahe kung tatawid sa
Victoria Harbor pa-Kowloon man o pa-Hong Kong side, pinayuhan ng MTR ang mga pasahero
na sumakay sa ibang linya nito na cross-harbor crossing, gaya ng East Rail
Line, Tseung Kwan O Line, o Tung Chung Line.
Sinabi ng mga opisyal ng MTR na natunton na nila ang sanhi
ng insidente -- ang pagtalon sa riles ng isang bogey (o set ng mga gulong) ng
unang karwahe. Dahil dito, gumewang ang karwahe habang papasok ng istasyon. Natanggal
ang dalawang pinto sa kanang bahagi nito nang sumabit sa dingding.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Samantala, nagsimula nang mag-imbestiga ang gobyerno, at
nagpadala na ang Electrical and Mechanical Services Department (EMSD) ng
magsusuri sa pinangyarihan ng insidente at train. Inatasan rin ng EMSD ang MTR
Corporation na magsumite ng report sa nangyari, at gumawa ng hakbang upang
mapanatiling ligtas ang operasyon ng MTR.
Ang insidente ay naging paksa sa group chat ng Domestic
Workers Corner HONG KONG na umani ng 1.1K na emoticon at 719 comments at 49 shares.
Ilan sa mga nagbahagi ng kanilang karanasan:
Press for details |
Chelle Manlulu Layos: Around 9:30 pauwi na sana ng Tsuen Wan
galing akong Phil. consulate sa admiralty pag dating ng yau ma tei pinababa
kami lahat..kaya ginawa ko bumalik ako ng central mtr to Lai king..laiking to
tsuen wan..
Triolove ED Aged: OK nman po knina.. From tsuenwan to
laiking interchange, laiking to hk line pra mkarating ng Central.. Pauwi gnun
dn ginawa q
Pzhiana Jzian: kanina pinababa kmi lahat sa Laiking
pasalamat ako dhil prang hnd ako mkahinga sa sobrang sikip ng tao. Nagsiksikan
kc ang mga tao kahit puno na ang train...
BASAHIN ANG DETALYE |
Roque Sarmiento: Sitwasyon kanina..10mins after sila mag
announce.prince Edward pinalabas n kaming lahat..mongkok sana ako
maginterchange going central..ginawa ko bumalik ako koolontong..then nag East
rail line ako going admiralty...inisip ko baka magka gulo dumadami Ng tao..
LC Juvenzel Labuton Bergonia: Ako po admin pina baba kami
lahat ng lai king lipat sa tung chung line towards central
Julieta R. Dasig: binaba kme SA laiking kya bumalik na ako
hirap na bka d makauwe😀
Hakunah Matata: Pag isa kayo sa affected free of charge ang
ride punta kayo costumer service irefund pamasahe nyo...nirefund sa amin ng mga
alaga ko😘ibalik ang pink card
An Ne: Grabe 2hrs aq sa mtr taz ang ending umuwi nlng.
Bhabie Anne Atehcna: Naku po napunta pa naman ako dito sa
tseun wan paano Pg uwi ko mamaya.
PADALA NA! |
PRESS FOR DETAILS |