Ang Amoy St. -- at mga traffic sign -- na dinaanan ng sasakyan bago maaksidente.. |
Umamin sa District Court kaninang umaga ang isang Pilipino sa sakdal na mapanganib na pagmamaneho na naging sanhi ng pagkasagasa at pagkamatay ng isang lalaking tumatawid sa kalsada sa Queen’s Road East, Wanchai, noong July 28, 2021.
Dahil dito, itinakda ni Deputy District Judge K.K. Leung sa Nov. 23 ang pagbibigay ng sentensiya kay Roland Ducusin, 40 taong gulang at may domestic helper visa.
Pagkatapos ng pag-amin ni Ducusin, nagpakita ng tatlong video ang taga-usig upang patunayan na nagkulang ang akusado sa pagmamaneho ng itim na Toyota Alphard ng kanyang amo, kaya nangyari ang aksidente.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Sinabi nito na hindi sana nangyari ang aksidente kung naging
mapagmasid si Ducusin sa dinaraanan habang tinutunton niya ang Amoy St.
papalabas sa Queen’s Road East.
Sa unang video, na kuha ng mismong camera ng sasakyang minamaneho
ni Ducusin, nakitang dumaan siya sa tatlong traffic sign sa Amoy St. – isang nakapinta
sa kalye na nagsasabing likong kaliwa lang ang pinapayagan, isang karatula sa kanto
na ganoon din ang sinasabi, at isang katabing karatula na nagpapayo sa mga driver
na magbigay sa mga paparating na sasakyan.
Imbes na sumunod sa mga traffic sign si Ducusin, lumiko siyang
pakanan at nabundol ang tumatawid na lalaki, na kinilalang si Lee Kwok-leung,
69 taong gulang, na namatay isang oras matapos dalhin sa kalapit na Ruttonjee Hospital.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ang ikalawang video ay kuha ng CCTV ng isang construction
site sa kabilang bahagi ng Queens Road East. Ipinakita rito ang pagkabunggo sa
matanda, at patuloy na pag-usad ng sasakyan ni Ducusin kaya’t nasagasaan pa siya ng gulong
sa hulihan habang lugmok sa kalye.
Ang ikatlong video ay kuha ng ikalawang CCTV sa construction
site na nagpapakita ng ganoon ding pangyayari mula sa ibang anggulo.
Humingi si Judge Leung ng payo mula sa dalawang abogado,
kung ano ang dapat ipataw na parusa kay Ducusin.
Press for details |
Sumagot ang abogado niya na pwedeng simulan ang parusa sa
dalawa hanggang tatlong taong pagkakulong.
Ang taga-usig naman ay nagbanggit ng dalawang katulad na kaso,
kung saan ang parusa ay 18 at 15 buwan.
BASAHIN ANG DETALYE |
Kung sundin ng hukom ang payong tatlong taon, maaaring dalawang taon ang matirang sentensiya ni Ducusin dahil sa discount mula sa pag-amin niya . Kung magkaganoon, ilang buwan na lang ay makakalaya na siya dahil nakakulong na siya simula pa noong arestuhin siya sa araw ng aksidente.
Ibinalik muli sa kulungan si Ducusin para hintayin ang araw ng kanyang sentensiya.
PADALA NA! |
PRESS FOR DETAILS |