Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Pinoy na may 15 kaso ng panloloob at pagnanakaw, lilitisin sa District Court

26 November 2022

Si Quiatchon ay unang humarap sa Kowloon City court para sa 12 kasong burglary at 3 theft 

Iniakyat sa District Court kamakailan ang kaso ng isang Pilipinong akusado ng 12 beses na panloloob sa iba’t ibang establisimiyento sa Kowloon at tatlong pagnanakaw ng ari-arian ng ibang tao sa loob ng dalawang buwan.

Naka-ilang beses nang humarap sa West Kowloon magistracy si Jefrey Quiatchon, 35 taong gulang na aplikante sa refugee status, sa lingguhang bail review hearing na kanyang hiningi.

Doon ay nag-alok siya ng perang pang-piyansa kapalit ng pansamantalang kalayaan, pero tinanggihan siya ng mga mahistradong dinaanan ng kaso.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Nang matapat ang kaso noong Huwebes (Nov. 14) kay Magistrate Jeffrey Sze, nagdesisyon ito na hindi angkop sa magistracy ang kaso ni Quiatchin dahil sa bigat ng akusasyon at ebidensiyang iniharap ng pulisya.

Magsisimula ang pagdinig ng kaso sa District Court sa Dec. 8.

Nagsimula ang listahan ng akusasyon ng pulis laban kay Quiatchon sa isang panloloob noong June 7 sa isang Indian restaurant sa Yau Ma Tei, Kowloon. Isang tablet computer ang natangay daw niya.  

Pindutin para sa detalye

Sinundan ito ng isa pang panloloob noong June 9 sa isang Chinese restaurant sa Mong Kok Road, Mong Kok, kung saan isang mobile phone naman ang natangay.

Ang ikatlo ay nangyari noong June 14, nang pasukin diumano ni Quiatchon ang isang coffee shop sa Cheung Sha Wan Road sa Sham Shui Po, at tinangay ang isang mobile phone.

Noong araw ding iyon, pinasok naman daw niya ang isang noodle shop sa Yu Chau Street sa Mong Kok, at nagnakaw ng isang mobile phone.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ang ikalimang kaso ay noong June 18, kung saan pinasok daw niya ang isang Shanghainese restaurant sa Shek Kip Mei St. sa Sham Shui Po at nagnakaw ng $3,0000 at isang apron.

Kinabukasan, pumasok naman daw siya sa isang Vietnamese restaurant sa Fuk Wa St., Sham Shui Po, at tumangay ng isang mobile phone.

Isa namang café-restaurant ang pinasok niya noong June 15 sa Camp St., Cheung Sha wan, at kinuha niya ang isang mobile phone.

Sa ikawalong kaso ay pinasok niya ang isang dumpling shop sa Lai Chi Kok Road, Mong Kok, noong June 25 at tumangay ng dalawang mobile phone.

Press for details

Nasundan ito ng pagpasok sa isa pang restaurant sa Tung Choi St., Mong Kok, noong July 1 at pagtangay sa isang tablet computer.

Ang ika-sampung kaso ay panloloob sa isang Chinese restaurant sa Lai Chi Kok Rd., Mong Kok, noong araw ding iyon at pagtangay sa isang mobile phone at isang kahon na may lamang isang batong jade.

Pagnanakaw naman ang ika-11 kaso ni Quiatchon nang kunin daw niya ang isang liham na pag-aari ng isang Iris Sun noong July 4 sa Fuk Wing St, Sham Shiu Po.

Sa araw ding iyon ay ninakaw naman niya ang isa pang liham sa Fuk Wing St, Sham Shiu Po, na pag-aari ng isang Chen Hun-yan .

Sa ikatlong pagkakataon noong araw ding iyon, ninakaw naman niya ang isang liham na pag-aari ni Tam Ping-sun sa Fuk Wing St, Sham Shiu Po.

BASAHIN ANG DETALYE

Balik si Quiatchon sa panloloob kinabukasan, July 5, nang pasukin naman niya ang isang noodle shop sa Fuk Wing St, Mong Kok, at kunin ang isang tablet computer at isang cash box na may lamang $1,000.

Ang ika-15 at huling ginawa ni Quiatchon ay panloloob noong araw ding iyon sa isa pang noodle shop sa Kweilin St., Mong Kok, at pagkuha sa isang mobile phone.

Ibinalik sa kulungan si Quiatchon upang doon hintayin ang susunod niyang pagdinig.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
CALL US!
Don't Miss