Ang Pilipinong driver na nakasagasa at nakapatay ng isang 69 taong gulang na lalaki sa Wanchai noong July 28, 2021 ay hinatulan ngayon ng 16 na buwang pagkabilanggo.
Pero dahil nakakulong na mula nang mangyari ang aksidente si
Roland Ducusin, 41 taong gulang at may visa bilang domestic
helper, inaasahang lalaya siya bago matapos ang buwang ito.
Sinabi ni Deputy District Judge K.K. Leung ng District Court, sa kanyang paglapat ng parusa na ginawa sa West Kowloon Magistracy, na ang pinakamabigat na parusang itinakda ng Road Traffic Ordinance sa pagsanhi ng pagkamatay ng tao dahil sa mapanganib na pagmamaneho, ay 10 taong pagkabilanggo.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Pero aniya, ang parusang iginawad niya kay Ducusin ay 24 buwang
pagkabilanggo dahil ang ganitong klase ng aksidente ay nasa medyo mababang antas ng pananagutan
sa batas.
Isinaalang-alang din niya ang pagsisisi ni Ducusin at record nito sa pagmamaneho, na malinis maliban sa pagparada sa isang lugar na bawal kung saan pinagmulta siya ng $400 noon.
At dahil agad umamin si Ducusin sa pagkakasala, binigyan
siya ng 1/3 discount kaya naging 16 buwan na lang ang sentensiya niya.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Kapag inawas ang ilang takdang araw gaya ng mga
piyesta opisyal sa kanyang sentensya, ay lalabas na napagsilbihan na niya ito.
Ayon sa demanda, nasagasaan ni Ducusin ang matandang
lalaking tumatawid sa King’s Road, habang ang sasakyang minamaneho niya ay papalabas
sa Amoy St. sa Wanchai matapos niyang sunduin ang nanay niya na kapwa niya DH sa iisang amo, mula sa isang kalapit na palengke.
Ang pagkakamali niya ay lumiko siyang pakanan, kahit ang mga
sasakyang dumaraan sa Amoy St., na one-way at may iisang lane, ay obligadong lumiko
pakaliwa ayon sa road sign at dalawang traffic sign sa kanto.
Press for details |
Nabundol ang tumatawid na lalaki, na kinilalang si Lee
Kwok-leung, 69 taong gulang. At dahil umandar pa ng limang metro ang sasakyan
ni Ducusin, nasagasaan din ng likod na gulong si Lee, na namatay isang oras
matapos dalhin sa kalapit na Ruttonjee Hospital, dahil sa mga nabaling buto at marami
pang pinasala sa katawan.
Pinatunayan ng taga-usig ang pagkakamali ni Ducusin sa
pamamagitan ng tatlong video clip, kasama na ang isang mula sa dash cam ng
sasakyan niya, na nagpapakita ng nangyari sa sandaling iyon.
Sinabi ni Judge Leung na naiwasan sana ang aksidente kung
naging maingat si Ducusin at sumunod sa mga traffic at road sign.
BASAHIN ANG DETALYE |
Si Ducusin, na may asawa at dalawang anak na babae sa Pilipinas,
ay dumating noong 2013 upang samahan ang ina na nagtatrabaho sa kanilang amo
mula pa noong 1992.
PADALA NA! |
CALL US! |