By The SUN
Dahil sa maling pagdisiplina sa anak ay nakasuhan ang Pilipinong driver |
Dahil sa kagustuhan niyang madisiplina ang babaeng
anak na 17 taong gulang ay nakasuhan ng pananakit ang isang Pilipinong driver,
at pagkatapos humarap sa korte kanina, ay isinailalim sa “probation order” sa
loob ng 18 buwan.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ang probation ay isang uri ng parusa sa isang
lumabag sa batas kung saan nangangako siyang magpapakabait at makikipag-ugnayan
sa kanyang probation officer sa loob ng itinakdang panahon. Kapag nilabag niya
ang kasunduang ito ay maari siyang ibalik sa korte para masentensyahan.
Si Elmer B. Hernandez, 51 taong gulang, ay kinasuhan
ng “assault occasioning bodily harm” dahil sa pananakit sa anak na si Trexie noong
ika-22 ng Hunyo ng taong kasalukuyan sa kanilang tirahan sa Chun Yeung Street
sa North Point.PINDUTIN PARA SA DETALYE
Agad naman niyang inamin ang pagkakamali, at
sinabing nagawa lang niya yun dahil gusto niyang bigyan ng leksyon ang anak at
hindi na niya madisiplina.
Press for details |
Sinamahan siya ng kanyang asawa sa korte kanina nang
humarap siya kay Mahistrado Lau Suk-han sa Eastern Court, bilang tanda ng
pagsuporta. Nagpahiwatig din siya ng pag sang-ayon sa probation order na
iminungkahi ng kanyang abugado.
Pagkatapos
alamin ang edad ng kanyang anak ay sinabihan ng mahistrado si Hernandez na
subukang ayusin ang relasyon nila ng anak dahil dapat ay hindi humahantong sa
korte ang anumang hidwaan sa pagitan nila.
BASAHIN ANG DETALYE |
Nagbabala
din siya na sakaling lumabag sa probation order ang nasasakdal ay maaring buhayin ng kanyang anak muli ang kaso laban sa kanya.
Ayon
naman kay Hernandez ay maayos na ang relasyon nilang mag-ama sa ngayon.
PADALA NA! |
CALL US! |