Hindi sumipot sa Kowloon City Magistracy ang Pilipino kaya pinaaresto |
Ipinaaresto ang isang Pilipino ngayon matapos hindi magpakita sa pagdinig ng kanyang kaso sa Kowloon City Magistracy.
Inutos din ni Magistrate Andrew Mok ang pagkansela ng
piyansang ibinayad sa pulis ni Rolando Ledesma, 53 taong gulang at walang trabaho.
Hindi rin ito papayagang magpyansa kapag nahuli, hanggang humarap sa korte.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Inakusahan si Ledesma ng pagpapatakbo ng isang pasugalan at
paglabag sa mga panuntunan laban sa Covid-19 para sa mga negosyong pinupuntahan
ng mga tao.
Isa siya sa 13 kataong kinasuhan matapos mahuli sa raid ng mga
pulis sa isang pasugalan sa Shanghai St., Kowloon noong Sept. 13.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ang 12 iba pa ay kinasuhan ng ilegal na pagsusugal. Isa sa
kanila ay Pilipina, pito ay Chinese, at tig-iisa na Nepalese, Indian, Moroccan
at Dutch.
Sila ay nahaharap sa kaso na may parusang multa na hanggang
$2,000 at pagkakulong na hanggang tatlong buwan sa unang pagkakasala. Tataas ito sa $5,000 at anim na buwang kulong sa ikalawang pagkakasala, at $10,000 at kulong ng hanggang siyam na buwan sa ikatlong
pagkakasala.
Press for details |
Pero di hamak na mabigat ang parusang itinakda sa unang kasong isinampa laban kay Ledesma.
Ayon sa Section 5 ng Gambling Ordinance, ang sino mang mapatunayang nagpapatakbo ng
isang pasugalan ay maaaring patawan ng multang aabot ng $5 million at pagkakakulong
ng hanggang pitong taon.
BASAHIN ANG DETALYE |
Sa ikalawang asunto, si Ledesma ay inakusahang lumabag sa Prevention
and Control of Disease (Requirements and Directions) (Business and Premises)
Regulation, kung saan obligado ang lahat ng negosyo na sumunod sa mga
panuntunang ipinatutupad ng Secretary of Food and Health.
Ang maaaring parusa dito ay multang aabot sa $50,000 at pagkakulong ng anim na buwan.
PADALA NA! |
CALL US! |