Ni Daisy CL Mandap
Isa si Batalla sa mga hinuli ng Immigration sa sunod-sunod na raid sa mga bar sa ale-ale (File) |
Isang Pilipinang overstay na sinampahan ng limang kaso
matapos mahuli habang pinapatakbo diumano ang isang bar sa “ale-ale” sa Central
ang pinayagang magpyansa sa halagang $1,000 noong Huwebes sa Eastern Court.
Ito’y matapos sabihin ng abugado ni Mary Jean L
Batalla, 52 taong gulang, na pino-proseso na ang “torture claim” ng Pilipina,
na kailangang dinggin muna ng iba-ibang sangay ng gobyerno bago siya mapauwi kung kinakailangan.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Si Batalla ay hinuli noong ika-19 ng Agosto ng taong
kasalukuyan habang nagtitinda diumano ng alak nang walang lisensiya sa isang
bar sa 8th floor ng Fai Man Building, 13 Li Yuen Street West na siya
rin daw ang namamahala.
Agad siyang sinampahan ng tatlong kaso: ang pagtitinda
at pagkakaroon ng alak ng walang lisensiya at paglabag sa kundisyon ng kanyang
visa.
Pindutin para sa detalye |
Nang imbestigahan siya sa Central Police Station noong
ika-23 ng Agosto ay nakita na overstay na siya noon pang ika-7 ng Hulyo, kaya
dinagdagan ng isa pa ang kanyang kaso. Ang panglimang kaso na isinampa laban sa
kanya ay ang pamamahala sa bar kung saan siya hinuli.
Pero ayon sa abugado niya, wala daw ebidensya sa
paratang na si Batalla ang namamahala sa bar. Ang ginawa lang daw niya ay binati
ang hindi nakaunipormeng pulis na nagpanggap na kostumer.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Tinutulan ng tagausig ang hiling ni Batalla na payagan
siyang magpiyansa dahil daw seryosong kaso ang kinakaharap niya, at wala siyang
permanenteng tirahan kaya malaki ang posibilidad na tumakas siya palabas ng
Hong Kong.
Ang sagot naman ng abugado niya ay may ibinigay na
dating address si Batalla, na nang usisain ni Magistrate Peter Law ay sa Chung
King Mansion pala sa Tsim Sha Tsui. Napag-alaman din sa kanyang pagtatanong na
wala nang inuupahang kuwarto doon si Batalla magmula nang mahuli siya.
Press for details |
Nang sabihin ng taga depensa niya na maari ding tumira
si Batalla sa isang kaibigan sa Tung Chung ay pumayag si Magistrate Law na
makapagpiyansa sya, sa kundisyong sisiguraduhin niya sa korte ng hindi lalampas
sa 5pm ang address kung saan siya mananatili. Hindi din siya dapat umalis sa
Hong Kong habang dinidinig ang kanyang kaso, at mag-report sa Lantau Police
Station tatlong beses isang linggo, mula 6pm-9pm.
Nang sabihin ng abugado na humihiling si Batalla na
gawing mula 12-3pm ang pagre report niya sa pulis, biglang tinanong ng
mahistrado ang, “Bakit? Hindi naman siya pwedeng magtrabaho.”
BASAHIN ANG DETALYE |
Agad namang inatras ng abugado ang pakiusap, kaya
nanatili ito sa 6pm hanggang 9pm.
Nakatakdang bumalik sa korte si Batalla sa ika-30 ng
Nobyembre.
PADALA NA! |
PRESS FOR DETAILS |