Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Pilipinang akusado sa pagkamatay ng kanyang sanggol, balik sa kulungan

07 November 2022

 

Ang nasasakdal noong siya ay inaresto. (Larawan mula sa Sing Tao Daily)

Ipinagpalibang muli ng isang mahistrado sa Eastern Court ngayon ang  paglilitis ng kaso ng isang Pilipinang inakusahan ng pagpatay sa kanyang sanggol matapos niya itong ipanganak noong 2020.

Ibinalik rin si J.G. Villanueva, 24 na taong gulang na receptonist sa isang gym, sa kulungan upang doon hintayin ang susunod na pagdinig sa April 17, 2023.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Hiningi ng abogado ni Villanueva na ipagpaliban ang kaso dahil nagkikipag-usap pa sila sa taga-usig upang mapababa ang asuntong ihaharap sa Pilipina.

Sinabi rin ng abogado na matapos na ilang beses tanggihan sa mahistrado ang alok ni Villanueva na magpiyansa sa halagang $20,000, nakuha niya ang permiso ng Mataas na Hukuman na magpiyansa upang makalayang pansamantala.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Hiniling ng abogado na ituloy ni Wan ang permiso na ibinigay ng Mataas na Hukuman para sa pansamantalang paglaya ng nasasakdal, ngunit hindi pumayag ang mahistrado.

Sumang-ayon lang si Wan na ipagpaliban muli ang pagdinig ng kaso.

Ayon sa talaan ng Judiciary, inutos ni Wan na ibalik sa kulungan si Villanueva, bagamat may karapatan pa rin siyang umapelang muli sa Mataas na Hukuman.

 

Press for details

Sinampahan ng kasong manslaughter o pagpatay si Villanueva matapos makita ang kanyang bagong silang sa sanggol na babae na walang buhay sa isang eskinita sa Tong Fuk Tsuen, Lantau.

Ito ay matapos silang rumesponde sa tawag ng mga taga-roon na nakakita sa sanggol na may nakakabit pang umbilical cord at placenta, bandang ika-10 ng umaga noong Feb. 1.

BASAHIN ANG DETALYE

Unang kinasuhan si Villanueva ng pag-abandona sa isang bata, na kalaunan ay naging pagtatago ng pagsilang ng isang sanggol.

Ginawang manslaughter ang kaso, na may parusa sa ilalim ng Offenses against the Person Ordinance, na hanggang habambuhay na pagkabilanggo at multang ipapataw ng korte, nang isampa ito sa West Kowloon Court noong Aug. 6, 2020.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
PRESS FOR DETAILS

CALL US!
Don't Miss