Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Pilipina, kinasuhan ng pagnanakaw ng alahas na nagkakahalaga ng $51,800

15 November 2022

 

Itutuloy ang pagdinig ng kaso sa Kwun Tong court sa Dec. 5

Isang Pilipinang domestic helper ang humarap sa Kwun Tong Court kaninang umaga dahil sa sakdal na pagnanakaw ng mga alahas ng amo na $51,800 ang kabuuang halaga.

Pero ipinagpaliban ang kaso ni Maxima Quirit, 34 taong gulang, nang sabihin ng taga-usig na kailangan ng karagdagang pagsusuri ng ebidensiya at payong legal. Hindi na rin itinuloy ang pagbasa ng sakdal laban sa kanya.

PINDUTIN PARA SA DETALYE
PINDUTIN PARA SA DETALYE

Itinakda ni Magistrate Minnie Wat sa Dec. 5 ang susunod na pagdinig.

Ibinalik si Quirit sa kulungan hanggang sa susunod na pagdinig, at hindi naman siya humingi ng permiso para magpiyansa.

Press for details
BASAHIN ANG DETALYE

Sa unang kaso ay inakusahan si Quirit ng pagnanakaw ng isang singsing na may brilyante na nagkakahalaga ng $40,000 noong Pebrero sa bahay ng kanyang among si Lau Kin-man sa Kai Tai Court, Kowloon Bay.

Sa ikalawang kaso ay inakuosahan siya ng pagnanakaw sa bahay ding iyon noong April 1, ng isang kwintas na may palamuting brilyante at pulseras na ginto, na may kabuuang halagang $11,800.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

PRESS FOR DETAILS
Don't Miss