Dito sa Fai Man building sa ale-ale nahuli si Soriano na nagtatrabaho ng ilegal |
Isang Pilipinang turista ang ipinasok sa kulungan ngayon kasama ang kanyang anak na dalawang buwang gulang matapos mahatulang nagkasala sa lima sa siyam na kasong isinampa laban sa kanya sa Eastern Magistracy.
Umiiyak na niyakap ni Mary May Soriano ang anak na lalaki matapos
itong ipasok sa korte ng isang kaibigang nag-alaga sa bata sa labas habang dinidinig ang
mga kasong laban sa kanya.
Ipinagpaliban ni Magistrate Edward Wong sa Dec. 16 ang pagbibigay
ng sentensya upang hintayin ang background report tungkol kay
Soriano, pero inutos niyang ipasok ito sa kulungan agad dahil ang kasalanan niya ay
may parusang pagkabilanggo.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Nang sabihing may anak na sanggol si Soriano na nasa labas, inutos ng mahistrado na ipasok ito para magkasama ang mag-ina sa kulungan.
Si Jenivib Balanggao, na gaya ni Soriano ay humarap din sa
siyam na kaso, ay pinawalang sala sa lahat ng akusasyon.
Sina Soriano at Balanggao, na parehong dating domestic
helper, ay nahuli noong madaling-araw ng March 13 nang mag-raid ang pulis sa
isang kainan sa 2nd floor ng Fai Man Bldg. sa Li Yuen West (na mas lalong
kilala sa mga Pilipino bilang Ale-ale) sa Central.
Itinanggi ng dalawa ang mga paratang noong una silang humarap
kay Magistrate Wong noong Nov. 1. Pareho silang nakalaya dahil nakapagpiyansa
ng tig-$2,000.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ayon sa salaysay ng umarestong pulis na tumestigo, noong
gabi pa ng March 12 nila minamanmanan ang gusali na kinalalagyan ng kainan, bago
nila ito ni-raid pagkalipas ng hatinggabi.
Ito ang dahilan kung bakit may apat na magkaparehong kaso sina
Soriano at Balanggao sa dalawang araw na nabanggit: ang pagtitinda ng alak nang
walang lisensiya, ang pagkakaroon nila ng alak na pangbenta nang walang
lisensiya, ang pangangasiwa nila sa isang kainan na dapat ay sarado sa mga oras
na iyon dahil sa utos ng gobyerno, at pagkakaroon bawal na pagtitipon sa lugar na
kanilang pinapatakbo.
Press for details |
Nahatulang nagkasala si Soriano sa apat na kasong nangyari
noong March 13 at pinawalang sala sa apat na nangyari noong March 12.
Maliban dito ay nahatulan din siyang lumabag sa kondisyon ng
kanyang paglagi sa Hong Kong, dahil bilang turista, bawal siyang magtrabaho o magtayo
ng negosyo nang walang permiso sa Immigration Department.
BASAHIN ANG DETALYE |
Si Balanggao naman ay napawalang sala sa batas-Immigration
na nagbabawal sa mga katulad niyang may hawak ng recognizance (bilang aplikante
laban sa sapilitang pagpapauwi sa kanya), na magtrabaho o mag-negosyo.
PADALA NA! |
CALL US! |