Sobrang dami ng mercury ang nakahalo sa produktong ito, sabi ng Health Dept |
Nagpalabas ng babala ang Konsulado ng Pilipinas laban sa paggamit ng dalawang produkto ng pampaputi sa mukha matapos diumanong maospital ang dalawang Pilipina dahil dito.
Ayon sa nauna nang pahayag ng Department of Health ng Hong Kong, nakitaan ang dalawa ng “proteinuria,” na tanda na may sobrang dami ng mercury sa kanilang katawan.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ang pinakamalalang sakit na maaring makuha ng dahil dito ay ang pagkakasakit sa bato o kidney, na kadalasan ay isang panghabambuhay na kundisyon.
Nang sinuri naman ang mga produktong kanilang ginamit, ang “Goree Day and Night Beauty Cream Oil Free” ay natagpuan na may sobrang dami itong sangkap na mercury.
Ang pangalawang produkto, ang “Goree
Beauty Cream with Lycopene, Avocado & Aloevera” ay kasalukuyan pa ring
sinusuri.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Kinumpirma naman ng Konsulado sa isang pahayag na inilabas sa
Facebook nitong Lunes na ang dalawang babae na edad 39 at 43 na binanggit sa babala ng
DH ay parehong Pilipina.
May ilang buwan na daw na gumagamit ng mga nasabing produkto ng Goree ang dalawa.
Ang sobrang mercury sa katawan ay maaaring magsanhi ng mga sumusunod na sintomas: panginginig ng katawan, pagiging mainisin, pagkasira ng memorya, paglabo ng paningin, paghina ng pandinig, at pagkakasakit sa bato.
Press for details |
Agad ding sinabihan ng Konsulado ang lahat ng mga Pilipino na iwasan o itigil na ang paggamit ng mga nasabing produkto. Ang sino mang magkaroon ng mga nasabing sintomas ay dapat na kumunsulta agad sa doktor.
Batay sa mga komento na iniwan sa nauna nang istorya ng The SUN tungkol dito, ay popular talaga ang dalawang produkto sa mga Pilipina sa Hong Kong dahil mabisa daw itong pampaputi ng balat.
Ibinibenta ito sa mga tindahan na Pilipino ang maraming suki, o online, kung saan mga Pilipino din ang mga karaniwang kostumer.
BASAHIN ANG DETALYE |
Ayon naman sa HD, tuloy-tuloy pa rin ang kanilang sariling imbestigasyon
sa kaso, bagamat nanghingi na rin sila ng tulong sa mga pulis at iba pang
sangay ng gobyerno para mas mapabilis ang proseso.
PADALA NA! |
PRESS FOR DETAILS |
CALL US! |