Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Papayagan nang pumasok sa simbahan at salon ang may yellow health code

10 November 2022

Hindi mo na kailangang gawin ito bago makapasok sa simbahan simula sa darating na Huwebes

Sa panibagong pagluluwag ng mga patakaran kontra sa Covid-19, papayagan nang pumasok sa mga simbahan, salon, lugar ng pagtatanghal at pampublikong palengke ang may yellow health code simula sa darating na Huwebes, Nov. 17.

Ipinahayag ito ngayong Huwebes ng hapon ng Undersecretary for Health na si Libby Lee, na nagsabi din na mananatiling sarado sa may yellow code ang mga restaurant, bar, sinehan at mga barko dahil hihingiin pa din dito ang vaccine pass ng lahat ng papasok.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Base sa health code ng Hong Kong, ang mga bagong dating mula sa ibang bansa ay binibigyan ng yellow o amber code sa unang tatlong araw ng kanilang pagdating.

Bagamat libre silang gumala at sumakay ng pampublikong sasakyan ay bawal silang pumasok sa mga mataong lugar, o yung maari silang magtanggal ng mask para kumain o uminom. Naipatutupad ito sa pamamagitan ng pag-scan ng kanilang vaccine pass na nasa LeaveHomeSafe app.

HOW TO JOIN? PINDUTIN ANG AD

Ayon pa kay Lee, bubuksan na rin ulit ang mga lugar para sa camping at iba pang pasyalan, at maari nang kumain at uminom sa stadium ang mga nanonood ng mga palaro katulad ng karera ng kabayo.

Sa mga gym naman ay papayagan nang maggrupo ang hanggang 12 katao, basta pananatilihin ang distansyang isang metro at kalahati sa pagitan ng magkatabing grupo.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Pero katulad ng nauna nang sinabi ni Chief Executive John Lee, wala pa rin daw balak ang gobyerno na payagan ang mga tao na hindi magsuot ng mask sa publiko, o tanggalin ang health code na siyang panangga sa pagpasok dito ng mga bagong anyo ng coronavirus.

Samantala, tumaas muli sa 5,5697 ang bilang ng mga bagong kaso ng Covid-19 sa Hong Kong, at kabilang dito ang 495 na kagagaling lang sa ibang bansa.

Press for details

Sa mga tinawag na imported na impeksyon, 252 ang nakita paglapag ng pasyente sa airport, 170 sa pagitan ng isa hanggang tatlong araw ng kanilang pamamalagi dito, at ang natitirang 72 ay mula ika-apat hanggang ika-7 araw ng kanilang pagdating.

Siyam na pasyenteng may Covid ang namatay kahapon.

BASAHIN ANG DETALYE

Ayon sa Centre for Health Protection, patuloy pa rin ang kanilang pagmamanman sa  pagpasok ng “mutant strains” o bagong anyo ng Omicron. Ang pinakamaraming kaso ay yung may XBB, na umabot na sa 213 ang bilang sa pinakahuling talaan.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
PRESS FOR DETAILS

CALL US!
Don't Miss