Ilabas na ang mga damit na pang-winter dahil simula na ang tag-ginaw sa Miyerkules. |
Maghanda na ng
makakapal na damit at kumot dahil parating na naman ang tag-lamig.
Ayon sa Hong
Kong Observatory, babagsak sa 16 degrees Celsius ang temperatura sa Miyerkules –at
mas bababa pa sa 13 kinabukasan -- mula sa komportableng 23 degrees nitong mga nakalipas
na araw.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ayon sa extended
weather forecast ng Observatory, tatagal nang higit dalawang linggo ang maginaw
na umaga dahil sa parating na cold front, na itinutulak ng Northeast Monsoon,
mula sa hilagang China.
Kasabay nito
ang pagbaba rin ng humidity na dala ng hangin, kaya magiging problema ito sa mga
may sensitibong balat. Ipinapayo sa lahat ang paggamit ng moisturizer.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Press for details |
Sinabi ng Observatory
na ang tag-ginaw sa Hong Kong ay dahil lumalaki ang cold front na namumuo sa
hilagang China, na karaniwan sa buwang ito, at ngayon ay umabot na sa katimugan, kasama ang Guangdong province at Hong Kong.
Makikita ito
sa mga kuha ng satellite na nagpapakita ng makapal at maputing ulap na kumakalat
papuntang timog ng China.
BASAHIN ANG DETALYE |
Dahil dito, ang ilang linggo nang maaliwalas na panahon ay magbibigay-daan sa maulap na papawirin mula sa Miyerkules, na magsasanhi ng manaka-nakang pag-ulan.
At dahil sumusunod ito sa klima ng parteng ito ng mundo, inaasahang mas giginaw pa ang mga umaga mula ngayon hanggang sa magsimula ang spring sa Marso.
PADALA NA! |
CALL US! |