Ng The SUN
Gumaralgal ang boses ni Balladares nang manawagan na ibasura na ang OEC |
Hindi napigilang mapaiyak sa sama ng loob ang matapang na pinuno ng United Filipinos (o
Unifil-Migrante) in Hong Kong na si Dolores Balladares-Pelaez habang nananawagan
sa isang protesta nitong Linggo na ibasura na ang overseas employment
certificate o OEC dahil sa pahirapang pagkuha nito.
“Hindi ba tayo naiintindihan ng gobyerno? Hindi ba nila naiintindihan ang hirap? Ang tagal na nating hindi nakakauwi, tapos OEC lang, pinagdadamot sa atin,” ang mangiyak-ngiyak na sabi ni Balladares-Pelaez sa kanyang talumpati sa labas ng Konsulado.
“Nakakagalit po, Nakakagalit kasi OFW kang bayani, ang
dami mong tinutulong sa bansa, tapos OEC lang pinagkakait pa?,” dagdag niya.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Nanawagan ang lider ng Unifil na magsagawa ng protesta
ang mga migranteng manggagawa sa Hong Kong tuwing Linggo para mas marinig ang
kanilang mariing pagtutol sa patuloy na paghingi ng OEC sa lahat ng mga OFW o
overseas Filipino workers na umaalis ng bansa.
Ayon sa mga nagpo protesta, hindi naman kailangan ang
OEC para patunayan na may trabahong pupuntahan sa ibang bansa ang isang
Pilipinong paalis. May employment visa naman sila at kontrata na dumaan sa
POLO, bakit kailangan pa ang dagdag na dokumento na ito?
Lalong tumindi ang kanilang pag-aalsa dahil mas lalong
naging mahirap ang pagkuha ng OEC nang biglang dumagsa ang bilang ng mga
pauwing OFW ngayong malapit na ang Kapaskuhan, at wala nang hotel quarantine na
kailangan pagbalik dito.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Kahit online dapat ang pagkuha nito ay hindi nasusunod
dahil sa maraming problemang lumalabas sa tuwing susubukan ng migrante na
makapasok sa bagong website ng OEC sa ilalim ng Department of Migrant Workers.
May mga lumibot din sa Central para ipanawagan ang pagtanggal sa OEC |
Nariyan yung hindi nila mailipat sa bagong website ang
kanilang dating record na nasa lumang sistema ng Balik Manggagawa Online.
Mayroon ding sinasabihan na may “multiple registration” sila at dapat na sa mga
sangay ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) sa Pilipinas nila
ito ipaayos.
Kapag sinubukan naman nilang kumuha ng appointment sa
Philippine Overseas Labor Office (POLO) ay inaabot sila ng hindi kukulangin sa tatlong
araw para dito. Marami tuloy ang napipilitan na gugulin ang kanilang kakaunting
araw na bakasyon sa Pilipinas para lang makakuha ng OEC dahil hindi sila makakabalik sa Hong Kong kung wala sila nito.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ayon sa mga nag protesta, bakit daw hindi tumutulong
ang POLO para ayusin ang anumang problema sa kanilang record dito sa Hong Kong
mismo para hindi na sila maabala pa sa kanilang pagbabakasyon?
Bakit noong panahon ng dating Labor Attache Jalilo
dela Torre ay nagagawan ng paraan na makuha nila ang OEC dito sa Hong Kong,
gaano man ang hirap nilang makarehistro online?
Sabi ni Balladares-Pelaez, grabe ang ginagawang pahirap
ng POLO sa mga migrante dito ngayon. Kung dati-rati ay may pinapatuloy silang
mga volunteer sa kanilang opisina para gabayan ang mga kumukuha ng OEC, ngayon
ay pinagbawal na nila ito.
Press for details |
Ayaw din daw nilang tulungan ang mga walang
appointment kahit biglaan ang kanilang pag-alis at sandal lang maglalagi sa
Pilipinas.
“Akala ko ba mahal ng pangulo ang mga OFW?,” tanong
niya. “Day-off natin nagagamit natin para dito, pinagpeperahan pa tayo. Tapos
pag nag protesta tayo, terorista (agad), reklamador?”
Inireklamo din ng mga nagsalita sa protesta ang
diumano’y paniningil sa kanila ng ilang mapagsamantalang negosyante sa mismong
gusali kung saan nandoon ang POLO at Konsulado.
BASAHIN ANG DETALYE |
Sinisingil daw sila ng hindi kukulangin sa $40 para
lang makakuha ng appointment sa POLO para sa OEC. Hindi raw ito mangyayari kung
ginagawa ng mga taga POLO ang trabaho nila na pagsilbihan ang mga OFW dito.
Ayon naman kay Lia Quirante ng Tigil Na Movement, ,may
mga tauhan pa sa POLO ang nangungutya sa hirap magpalista online para sa OEC na
bakit hindi nila ito magawa samantalang lagi silang nasa Facebook o nag ti
Tiktok.
Hanggang hindi naibabasura ang OEC ay dapat daw ibalik
ng POLO ang dating “assistance desk” sa kanilang opisina para tulungan ang mga
may problema sa pagkuha nito. Dapat din daw tanggalin ang patakaran na
kailangan munang mag miyembro sa Pag-IBIG Fund bago makakuha ng OEC.
PADALA NA! |
CALL US! |