Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Kasong money laundering laban sa isang Pilipinang overstay, madaragdagan

16 November 2022

 

Itutuloy sa Fanling Magistracy ang kaso sa Feb. 8.

Ipinagpaliban ang pagdinig ng kasong “money laundering” laban sa isang Pilipina sa Fanling magistracy ngayon matapos ipahiwatig ng taga-usig na madaragdagan ang mga akusasyon dahil sa mga bagong natuklasan sa imbestigasyong ginagawa ng pulisya.

PINDUTIN PARA SA DETALYE
Maliban sa isang bank account ni April Rose Sumaya, 41 taong taong gulang, may tatlo pang bank account na inuugnay sa kaso niya, ayon sa taga-usig.

Lumalabas din sa imbestigasyon na may anim pang tao na sangkot sa kaso, dagdag ng taga-usig.

Humingi ito kay Acting Principal Magistrate Colin Wong ng palugit hanggang Feb. 8 sa susunod na taon para sa karagdagang payong legal at upang maipresenta ang binagong kaso.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Pumayag si Magistrate Wong sa hiling, at pinalayang pansamantala si Sumaya sa bisa ng piyansang  $2,000.

Kinasuhan ng pulis si Sumaya matapos dumaan sa bank account niya sa Hang Seng Bank sa pagitan ng June 28 at June 30 ang kabuuang $45,100 na perang galing sa krimen.

Press for details

Ito ay paglabag ng Serious and Organized Crimes Ordinance ng Hong Kong, na nagtatakda ng dalawang klase ng parusa, depende sa bigat ng kaso:

Kung “on conviction upon indictment” (o nahatulan sa sakdal) , multang aabot sa $5 million at pagkabilanggo ng 14 taon.

BASAHIN ANG DETALYE

Kung “summary conviction” (o buod ng paniniwala), multang aabot sa $500,000 at pagkabilanggo ng 3  taon.

Si Sumaya ay nagtatrabaho bilang domestic helper, pero napaso na ang kanyang visa noong pang June 8.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

PRESS FOR DETAILS
Don't Miss