Dininig ang kaso kanina sa Shatin Magistracy |
Inatras ang kaso laban sa isang Pilipinang nag-overstay nang humarap ito sa Shatin Magistracy kaninang umaga.
Ayon sa taga-usig, dahil daw ito sa pag-file
ni Irene Candelaria, 39 taong gulang at dating domestic helper, ng
non-refoulement claim upang hindi siya pauwiin nang sapilitan sa Pilipinas.
Agad namang sinang-ayunan ito ni Acting Principal Magistrate
David Cheung at isinara ang usapan sa kaso.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ayon sa visa ni
Candelaria, siya ay pinayagan ng Immigration Department na manatili sa Hong Kong
bilang domestic helper hanggang matapos ang kanyang kontrata noong June 6, 2021, o dalawang linggo pagkatapos na
i-terminate ang kanyang kontrata.
Pero siya ay nanatili sa Hong Kong pagkatapos ma-terminate noong Aug. 8, 2020, hanggang mahuli noong Dec 16, 2020.
Kung inurong man ang kaso niya sa korte, kailangan namang
dumaan si Candelaria sa pagsusuri ng Immigration at Torture Claims Appeal Board /
Non-Refoulement Claims Petition Office, kung saan kailangan
niyang patunayan kung bakit nanganganib ang kanyang buhay o kaligtasan.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Habang hinihintay ang resulta ng kanilang aplikasyon, bawal
siyang magtrabaho o magnegosyo. Sa halip ay mayroon siyang allowance para sa
pagkain at tirahan.
Kapag hindi pumasa ang kanilang aplikasyon, malimit na
umaabot hanggang sa High Court ng mga kasong ganito dahil sa mga apela, pero mas
malamang ay tinatanggihan din sila sa huli at pinauuwi.
BASAHIN ANG DETALYE |
Isa lamang dito ang Pilipino, ayon sa Immigration.
PADALA NA! |