Si Rowelyn Ledesma Arcan, 56 taong gulang, ay natagpuang walang malay sa shower, |
Ni Marites Palma
Nakatakda sanang magbakasyon ang biyudang si Rowelyn Ledesma Arcan, 56 taong gulang, sa Barotac Nuevo, Iloilo, sa darating na Pasko para sa reunion ng kanyang pamilya matapos ang ilang taong hindi sila nagkikita.
Pero ngayon ay nagluluksa ang kanyang mga kaanak at kaibigan matapos mabalitaan na natagpuan siyang walang malay sa palikuran sa bahay ng kanyang amo sa Pokfulam noong umaga ng Nov. 14 at idineklarang patay pagdating sa Queen Mary Hospital.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Pindutin para sa detalye |
Ayon sa tagapagsalita ng pulis, hindi pa alam ang sanhi ng pagkamatay
ni Rowelyn, o Weng sa mga kaibigan, dahil hindi pa nagagawa ang autopsy.
Pero ayon sa kanya, walang nakitang marka sa katawan niya na magpapakita ng kahina-hinalang sanhi ng kanyang pagkamatay.
Ang kanyang labi ay nasa morge ng Queen Mary Hospital ngayon.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ayon sa report ng pulis, naligo si Weng bandang 8am ng umaga ng Nov. 14. Nagtaka ang amo niyang lalaki, na dayuhan at 45 taong gulang, dahil matagal na bukas ang shower.
Kumatok ang amo sa banyo pero walang sumasagot, kaya binuksan niya ang pinto
at nakitang nakabulagta si Weng sa sahig habang tumutulo ang shower.
Press for details |
BASAHIN ANG DETALYE |
Tumawag ito sa 999 at isang ambulansiya ang dumating at
dinala siya sa kalapit na ospital, ang Queen Mary, kung saan idineklara itong patay na.
Naka 11 taon nang nagsisilbi si Weng sa amo bilang domestic helper, ayon sa mga kaanak na nakausap ng The SUN. Limang taon na daw itong hindi nakabakasyon dahil naabutan ng pandemya.
Napag-alaman pa na noong
nakaraang taon ay ipinagamot ang yumao ng kanyang mga amo dahil sa
hypertensyon.
Nag-uusap ngayon ang
kanyang mga kaibigan sa pamamagitan ng group chat para humiling na magkaroon ng
viewing bago iuwi ang bangkay ng yumao sa Pilipinas. Gusto daw kasi nilang
masilayan ito sa huling pagkakataon at makapag-ambagan na din para
sa mga naulila nito.
Bilang biyuda, si Weng ang mag-isang nagtaguyod sa dalawang
anak, na pawang nakapagtapos sa pag-aaral at may magandang trabaho.
Ang isa sa kanila ay seaman, na pauwi rin, pero ang saya na inaasahan
nila sa kapaskuhan ay napalitan ng pagluluksa dahil uuwing bangkay si Weng.