Ang CHP, kung saan dapat i-report ng mga doktor ang mg kaso ng melioidosis |
Isinabatas ng Hong Kong kahapon, Biyernes, ang
pag-uutos sa lahat ng mga doktor na i-report sa Department of Health ang lahat
ng mga pinaghihinalaan nila na kasong melioidosis, isang sakit na nakakahawa at
kasulukuyang kumakalat sa Hong Kong.
Ang meilioidosis ay dala ng isang bacterium (Burkholderia
pseudomallei) na madalas makuha mula sa lupa o putik, at naipapasa sa pagitan
ng mga tao, at mula hayop sa tao, bagamat bihira daw ang ganitong mga kaso,
ayon sa DH.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Nabahala ang mga opisyal dahil sa biglang pagdami ng
kaso ng sakit na ito, lalo na sa mga nagtatrabaho sa isang construction site sa
Sham Shui Po.
Mula
lang nitong Agosto ay 35 na ang nakitaan ng sakit na ito, at siyam sa kanila
ang namatay, na karamihan ay mga may edad at matagal nang sakit. Pito sa mga
namatay ay nakatira sa Sham Shui Po.
Ang
karamihan naman, o 23, ay nakalabas na sa ospital.
|
Ayon
sa pinakahuling pahayag ng gobyerno, inatasan ang ibayong paghihigpit laban sa
sakit dahil sa biglang pagdami ng bilang ng mga nagkakasakit dito, lalo na sa
Sham Shui Po, badya na ang bacteria ay nasa paligid lang.
Sa
mga isinagawang pagsusuri ng mga espeyalista ay nakita ang bacteria sa lupa sa
paligid ng isang imbakan ng tubig (reservoir) sa Sham Shui Po, pero hindi ito
nakita sa tubig-inumin ng mga tao sa lugar, tanda na hindi nakapasok ang
bacteria sa mga tubo.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ayon
sa mga doktor, ang melioidosis ay nakukuha mula sa putik, o maputik na tubig,
lalo na kung ang tao ay may sugat. Makukuha din ito sa pag-inom ng maruming
tubig, o paglanghap ng alikabok mula sa lupang may bacterium.
Sa
mga taong nagkakahawaan, na bihirang mangyari, ito ay nakukuha mula sa dugo o
body fluid ng isang taong maysakit.
Press for details |
Kaya
delikado ang magkaroon ng melioidosis ay dahil maari itong lumala at magsanhi
ng impeksyon, pneumonia o meningoencephalitis. Mataas din ang porsyento ng mga
namatay dahil sa sakit – mula 40 hanggang 75%.
Ang
mga sintomas ng sakit na ito ay ang mga sumusunod: sakit ng ulo, ubo, sakit ng
dibdib, lagnat, pamamaga o pagsakit ng sugat.
BASAHIN ANG DETALYE |
Walang
bakuna kontra sa sakit na ito, pero maari itong gamutin sa pamamagitan ng
antibiotics.
Ang
meliodosis ay karaniwan nang nakikita sa mga bansa sa Southeast Asia at sa
Northern Australia.
PADALA NA! |
PRESS FOR DETAILS |