Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Hindi totoong wala nang libreng PCR test kapag hindi nagrehistro sa app

01 November 2022

 Ni Daisy CL Mandap

 

Mas maiging magrehistro dito para sa libreng PCR test, pero hindi sapilitan

Isa ka ba sa mga nagmadaling magrehistro sa LeaveHomeSafe app kahapon dahil sa pinakalat na balitang papagbayarin ka na sakaling kailangan mong magpa PCR test sa mga darating na araw  kapag hindi mo ito ginawa bago mag Nov. 1?

Una, hindi naman masama na nirehistro mo ang mga personal mong detalye sa app dahil ang layon nito ay para mapabilis ang proseso para sa iyong PCR testing sakaling kailanganin mo ito.

Pero hindi totoong wala ng libreng PCR test kapag hindi mo ito ginawa.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Katulad ng dati, ang mga inutusan o inoobligahan ng gobyerno na magpa PCR test (ayon sa compulsory testing notice), katulad ng mga nakatira sa mga building na nakitaan ng virus sa sewage, o mga bagong dating mula sa ibang bansa, ay libre pa rin ang testing kahit hindi nakapagrehistro sa LHS app.

Kabilang din sa patuloy na makakapagpa test ng libre ang mga edad 60 pataas, mga nasa tinawag na “high-risk” na trabaho katulad ng airport at elderly homes, at mga bibisita sa ospital.

Ayon sa kumalat na maling impormasyon kahapon sa social media, “A person must have a PCR testing registration code to receive free PCR test on or after 1 November. Otherwise, you will be charged HK$150 or HK$240 per test.”

PINDUTIN PARA SA DETALYE

“To avoid incurring unnecessary cost, please complete the registration on or before 31 October (Mon) via your LeaveHomeSafe app.”

Sadya man o hindi ay agad na nagdulot ng pangamba ang mensahe sa maraming tao, lalo at madalas ipag-utos ng gobyerno ang pagpapa test ng ilang grupo sa Hong Kong, kabilang na ang mga bagong dating na kailangang magpa test ng apat na beses sa loob ng anim na araw pagkadating.

Pero ang totoo, ang ginawa lang ng gobyerno ay dinagdagan ang mga lugar kung saan maaaring pumunta ang mga gustong magpa test, kahit may bayad, kabilang na ang mga paalis ng Hong Kong at kakailanganin ito sa mga lugar na gusto nilang puntahan.

Press for details

Umpisa nitong nakaraang linggo ay may 85 nang community testing centre (CTC) at outdoor community testing stations (CTSs) sa buong Hong Kong. Bukas ito mula 8am o 10am, hanggang 8pm, araw-araw.

Maaring pumunta dito ang mga may permiso na magpa test ng libre, o yung gustong magbayad para sa kanilang PCR test. Ang bayad ay hindi lalampas ng $150 para sa mga handang maghintay ng hanggang 24 para sa resulta, o $240 sa mga gustong makuha ito sa loob ng 12 oras.

MAY CHANCE KA PANG MANALO!

Maaring bayaran ang test sa iba-ibang paraan, katulad ng Octopus, Alipay o credit card, para mabawasan ang paglalapit ng mga nagpapa test at tauhan ng mga CTCs o CTSs.

Mas maigi na meron kang ganitong QR code para mas mapadali ang pagpapa test mo

Simula sa Nov. 8, ang mga gustong magpa test ng libre ay hinihimok na kumuha ng appointment online, sa booking.communitytest.gov.hk o gamit ang QR code na makukuha nila kapag nagparehistro sila sa LHS app.

Ang mga pinapayagang hindi gumamit ng LHS app, katulad ng mga edad 65 pataas o 15 pababa ay maaari pa ring dumiretso sa mga testing centre ng walang booking o testing registration QR code.

BASAHIN ANG DETALYE

Sa iba pang detalye, basahin lang itong pahayag ng gobyerno tungkol dito: 

https://www.info.gov.hk/gia/general/202210/27/P2022102700777.htm?fbclid=IwAR2tqX63osKOm72YVYX63L42NuOjxFSlkWIpitypNK9Dccc86q8e-NEu0Rk

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
PRESS FOR DETAILS

CALL US!


Don't Miss