Si Bonifacio (may salamin) kasama ang ilang miyembro ng Gabriela HK sa isang panawagan |
“Mas nakakabingi ang katahimikan kesa mag-ingay at
lumaban.”
Ito ang mensahe ni Shiela Tebia-Bonifacio, presidente ng Gabriela Hong Kong, nang ipagdiwang ng kanyang grupo ang kanilang ika-13 taong anibersaryo nitong Nob. 6. sa Pier 3 sa Central.
Hinamon ni Bonifacio ang mga kababaihan na manindigan para sa katotohanan, kawalan ng hustisya, at sa pagtatangka ng pamahalaan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. at kanyang mga kasangga na baguhin ang tunay na kasaysayan ng bansa.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
“Huwag tayong matakot, dahil mas nakakatakot ang kahihinatnan ng ating bansa kung magpapatuloy ang karahasan, mas nakakatakot kung mabago nila ang kasaysayan ng paglaban ng ating mga ninuno laban sa diktadurang Marcos, dahil maaring maulit ang malagim na Martial Law,” sabi niya.
Nagpasalamat din si Bonifacio sa patuloy na pagsuporta ng maraming mga organisasyon sa Gabriela sa kabila ng patuloy na paninira at pagkakalat ng maling impormasyon tungkol sa kanila, lalo na yung “red tagging” o ang pagbansag sa kanila bilang mga komunista.
HOW TO JOIN? PINDUTIN ANG AD |
“ Napakalaking bagay sa amin na makita ang kalakhan ng mga organisasyon ng Filipino community dito sa Hong Kong ay suportado kami at hindi nadadala sa mga fake news na ipinaparatang sa aming mga taga Gabriela,” wika niya.
Sa halip na mapasama ay lalo naman daw nakilala ang Gabriela sa buong mundo bilang isang grupo ng mga kababaihan na hindi nangingiming ilantad ang totoo at walang takot pumuna sa kahit presidente kung ang mga polisiya nito ay hindi makatao.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Bilang mga migranteng manggagawa, kailangan daw na isulong ng mga nasa Hong Kong ang interest ng bawa’t mamamayang Pilipino at umambag sa panawagan na bigyan ng trabaho ang mga Pilipino hindi sa labas, kundi sa loob ng bansa, upang wala ng inang mawawalay pa sa kanyang mga anak.
Naging tampok sa pagdiriwang ng Gabriela HK ng kanilang anibersaryo ang isang patimpalak sa pagsusulat na may temang “Babae ako, babae na may tapang na harapin ang hamon ng pandemya!”
Press for details |
Nakamit ni Sherly Bulandan Ojas ng Lesbian Couples ang unang pwesto sa katha niyang “Babae Ako, Hindi Babae Lang” na nagtamo ng markang 91%. Pumangalawa si Ody Munson ng Horizons International sa obra niyang “Pagtanglaw ni Eba sa Pandemya,” na nagkamit ng 90.67%; at pumangatlo si Marites Palma ng Social Justice na ang kathang “Ayuda” ay may marking 89.67%.
(Ilalathala ng The SUN ang kanilang mga obra sa isang hiwalay na artikulo).
BASAHIN ANG DETALYE |
Ang iba pang kasali ay sina Baby Jean de Leon ng OFW Help Group na ang titulo ng katha ay “Ako ay Migranteng Matapang”; Lily Decena ng Luzviminda OFW in HK, “OFW Diyos ang Aking Sandigan,” Erna Linan Velardo ng PinkNoy, “Pamilya at Pandemya,” at Mariela R. Tadalan ng Mission Movers, “Ako’y Babae, Patuloy na Lalaban.”
Ang mga tumayong hurado ay sina Cynthia Tellez, general manager ng Mission for Migrant Workers, Trina Federis, writer; at Daisy CL Mandap, editor ng The SUN Hong Kong.
PADALA NA! |
PRESS FOR DETAILS |
CALL US! |