Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Gusto mong matuto ng Taekwondo?

03 November 2022

 

Ang mga nagsasanay ay nagpapakita ng gilas sa routine upang umakyat ng ranggo.

Isang grupo ng mga Pilipino ang nag-iimbita ng mga kababayan na interesadong matuto ng Taekwondo sa kanilang pagtuturo na gaganapin tuwing Linggo sa North Point at Sham Shui Po.

Ito ang unang proyekto ng United Philippine Taekwondo Organization Hong Kong (UPTOHK) matapos ipagbawal ng gobyerno ang ganitong aktibidad sa loob ng nakalipas na dalawang taon dahil bilang pag-iwas sa Covid-19.

Magbubukas ang pagsasanay sa Nov. 6, 12:00pm - 3:30pm sa Worfu Academy, sa clubhouse ng Provident Centre, North Point. May isusunod ding pagsasanay sa Sa Tung Chau Street Park Sports Centre sa Sham Shui Po.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

“Kami-kami po ang nagtuturuan, self-help bale, para bawa’t requirement ng grade level ng Taekwondo ay maipasa ng mga kasapi,” paliwanag ni Mercy Permales, pangulo ng UPTOHK.

Ang pag-akyat ng mga kasapi sa bawat grade level, na kinikilala ng mga Taekwondo master sa buong mundo, ay ginagawa sa mga exam na pinamumunuan ni Head Master Tze Hong Lai, dagdag ni Permales.

MAY CHANCE KA PANG MANALO!
Sumasali din ang grupo sa mga tournament na ang kalaban ay iba’t ibang lahi.

Ayon kay Permales, tinangka ng grupo na ituloy ang kanilang pagsasanay ilang buwan na ang nakakaraan nang magsimulang magluwag ng gobyerno ng Hong Kong laban sa Covid,  pero nahirapan silang kumuha ng lugar para dito dahil mahigpit pa rin ang mga kundisyon.

Ang pagsasanay ay upang matutunan ang mga kailangan upang umakyat ng belt grade.

Bago magka-Covid, apat na sports center ang pinagdadausan ng pagsasanay ang UPTOHK -- sa Tung Chung, Sheung Wan, Prince Edward at Sha Shui Po.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Pero dahil mas mahirap ngayon mag-book, dalawang lugar na lang ang natira.

“Kasi po 6 days advance booking lang ang allowed. Kagaya namin po, every Sunday namin gagamitin ang venue, kaya need namin mag pa-book nang Monday early morning.

Press for details

“Noon si Coach Federico Jacinto ang nagigising nang maaga para mag queue nang 5:30am sa Happy Valley Sports Center, para i-book ang Sheung Wan Sports Centre para 10am - 12noon (2hrs), ang aming standard training time.

“Pero meron na ring mga naunang nakapila sa kanya. Ang iba ay doon na mismo natutulog at aantayin ang 7:30am na pagbubukas ng counter,” dagdag niya.

BASAHIN ANG DETALYE

Mabuti at nagpaunlak ang Worfu na bigyan sila ng tatlong oras at kalahati tuwing linggo, sa tulong ni Master Lai.

Para magtanong kung paano sumali, tawagan ang mga sumusunod:

Mercy 54454595 whatsapp

Edna 6156 0002

Eric 6149 2068

Wilma 9383 4686

Ruth 9164 3096.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
PRESS FOR DETAILS

CALL US!
Don't Miss