Pinakawalan ang Pilipina matapos ang pagdinig sa Shatin Magistracy |
Nang dumating si Elisa V. Caraig sa Hong Kong noong Oct. 25, ang intensiyon niya lang ay magbakasyon, makita ang mga dati niyang kaibigan noong domestic helper pa siya at bumili ng mga paninda para sa kanyang tindahan ng damit sa Lipa City.
Pero nang iprisinta niya ang kanyang pasaporte sa Immigration
sa airport, inaresto siya.
Kanina ay pinakawalan si Caraig, 58 taong gulang, matapos niyang aminin sa Shatin Court ang isa sa dalawang kaso na isinampa ng Immigration Department laban sa kanya, ang paggamit ng dalawang HKID card.
Ang unang kaso, ang pagsisinungaling sa isang Immigration officer, ay inatras ng tagausig.
Dahil sa kanyang pag-amin ay pinatawan si Caraig ng multang $1,000 at dalawang buwang pagkakulong - pero sinuspindi ito ng dalawang taon. Ang epekto nito ay hindi siya makukulong kung hindi siya magkakasalang muli sa loob ng nasabing panahon.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Dahil nakatakda syang umalis sa Nov. 7 ayon sa kanyang air ticket, may tatlong araw pa upang ituloy ang bakasyon, lalo na ang pamimili ng mga paninda sa Tsim Sha Tsui at Sham Shui Po, na naunsyami ng higit isang linggong pagkakulong.
Ayon sa sakdal, gumamit si Caraig ng magkaibang pangalan nang kumuha ng dalawang Hong Kong ID. Bukod sa pangalang Elisa Villanueva Caraiga ay ginamit din niya ang Rosalinda Manguiat Lagorin, pero hindi binigyang linaw sa korte kung bakit niya ito ginawa.
Pindutin para sa detalye |
Ayon sa sakdal, nagkaroon siya ng unang Hong Kong ID sa pangalang Elisa Caraig nang magsimula siyang magtrabaho bilang domestic helper noong 1990s. Nang matapos ang kontrata niya, umuwi siya sa Pilipinas.
Pero bumalik siyang muli upang magtrabaho sa Hong Kong
bilang DH, at nagparehistro sa pangalang Rosalinda Lagorin noong August 14,
2003.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Nahuli ang kanyang ginawang kasalanan dahil sa fingerprint na ginamit niya nang mag-apply para sa dalawang HKID.
Ayon sa kanyang abogado, nagkapagtrabaho siya sa tatlong amo
nang walang problema bago siya tuluyang umuwi sa Pillipinas noong 2017 at magsimula
ng sariling negosyo sa Lipa, kung saan kumikita siya ngayon ng P50,000
buwan-buwan.
Humingi ang abogado kay Acting Principal Magistrate David
Cheung ng kaluwagan sa pagpaparusa dahil sa pag-amin ni Caraig at hiniling na huwag nang ituloy ang isa pa sanang pagdinig sa Dec. 8.
Press for details |
Matapos sabihin kay Caraig na seryoso ang kaso niya, ibinaba
ni Magistrate Cheung ang parusa sa tatlong buwang pagkakakulong mula sa isang
taon na binanggit ng taga-usig, at binawasan pa ito ng 1/3 dahil sa pag-amin
niya.
Tinanong niya rin si Caraig kung magkano ang multang kaya nitong
bayaran. Nang sumagot ito ng $1,000, ito na rin ang ipinataw sa Pilipina.
BASAHIN ANG DETALYE |
At higit sa lahat, ika ni Cheung, gusto niyang bigyan ng isa
pang pagkakataon si Caraig kaya ginawa niyang suspendido nang 24 buwan ang
pagkakakulong nito.
Pero sa tutuusin, higit isang linggo rin siyang nakulong.
PADALA NA! |
PRESS FOR DETAILS |
CALL US! |