Masaya ang naging pagdaraos ng ika-30 anibersaryo ng ATIS HK sa Victoria Park |
Tagumpay na nairaos ng mga miyembro Abra-Tingguian Ilocano Society (o ATIS) Hong Kong ang selebrasyon ng kanilang ika-30 taong anibersaryo sa Victoria Park sa Causeway Bay nitong Linggo, Nov 20.
Buong-galak na sinalubong ng kanilang pangulong si
Ludy Guinaban ang may 100 katao na nagtipon-tipon para samahan sila sa pagdiriwang
ng isa sa pinakamahalagang okasyon para sa kanilang grupo.
Aniya, tatlong taon nilang hindi naisagawa ang
nakagawian nilang malakihang pagtitipon para ipagdiwang ang kanilang
anibersaryo ng dahil sa pandemya, kaya natutuwa siya na nagawa nila ito ngayon, sa kanilang ika-30 taong anibersaryo.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Isang hamon naman sa grupo ang naging mensahe ng
kanilang tampok na panauhin na si Cynthia Tellez, general manager ng Mission
for Migrant Workers.
Pagkatapos niyang batiin ang ATIS sa pagiging matatag
nito sa loob ng nagdaang tatlong dekada ay sinabi niya na sana ay makahanap pa
sila ng mas makahanap pa sila ng bagong paraan para mahikayat na sumapi sa
kanila hindi lang mga taga Abra, kundi pati yung mula sa iba pang parte ng
Pilipinas.
“Pero kaya pa ninyong pasidhiin, kaya pa ninyong
payabungin (ang inyong grupo),” sabi ni Tellez, gaya daw ng tema ng kanilang
pagdiriwang na “Advancing the rights and welfare of migrants and their
families.”
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Dagdag pa niya, kailangan ng kasapian na pakinggan pa
nang mas mabuti ang mga pananaw ng mga miyembro, kahit yung taliwas sa sarili
nilang adhikain; pero kasabay nito ay dapat din nilang ipaunawa na mahalaga na
ang katotohanan lang ang kanilang dapat paniwalaan.
“Unity, truth and peace with justice” (pagkakaisa,
katototahan, at katiwasayan na may hustisya) – ito daw ang dapat na maging
sandigan ng grupo.
“Walang imposible sa ATIS,” sabi ni Tellez bilang
pangwakas.
Nakisali si Tellez (may ribbon) sa pagsasayaw ng katutubong sayaw ng mga Abraeno |
Ang isa pang tagapagsalita, si Eman Villanueva, pinuno ng Bayan Hong Kong at Macau at isa sa mga pangunahing lider ng mga migrante sa Hong Kong, ang nagbigay-pugay naman sa tatag ng ATIS.
Marami nang mga organisasyon ang nabuwag nang dahil sa
usapin sa pera o intriga, sabi niya, pero nanatiling buo at matatag ang ATIS sa
loob ng 30 taon.
Press for details |
Sa tagal ng kanilang pagsasama ay napatunayan nila na
ang kanilang grupo ay nabubuhay dahil sa malalim na prinsipyo ng pangangalaga
at pagsasamahan, dagdag ni Villanueva.
Pinuri naman ni Daisy CL Mandap, editor ng The SUN,
ang husay ng pamamahala ng mga lider ng ATIS mula sa founder nilang si Caring
Bachiller, dating president na si Vicky Cabantac, hanggang sa kasalukuyang
pamunuan, dahilan para patuloy na maging matatag ang grupo.
Bukod sa pagtutok sa mga pangangailangan ng kanilang
mga miyembro at kababayan ay aktibo din sila sa pagpapalalaganap ng mga
makatotohanang pananaw sa mga usapin na may kinalaman sa mga migrante at pati
na ng lahat ng mga Pilipino.
BASAHIN ANG DETALYE |
Hindi daw makakalimutan ng The SUN na sa pagpili nila
ng pinakamahusay na grupo ng mga migrante may 20 taon na ang nakakaraan ay ang ATIS
agad ang lumutang na panalo dahil sa dami ng kanilang mga makabuluhang proyekto
hindi lang sa Abra kundi pati sa Hong Kong.
Ang pasinaya ay tinampukan din ng pag-aabot ng mga
premyo ng mga nanalo sa patimpalak para sa Miss Atis 2022, na nauna nang napili
sa pamamagitan ng balota.
Ang nagkamit ng titulo ay si Marielle S. Lingbaoan ng
Licuan-Baay HK Association, pumangalawa si Faye Averille B. Tacanay ng Bangued
Migrants Organization, pangatlo si Marisol C. Bites ng Timpuyog ti Tayun at
pang-apat si Jellybin T. Balbalec ng Lagangilang Overseas Association.
Kasali din sina Shirley G. Biares na taga Manabo,
Joanalyne Mae A. Dreu ng La Paz, at Liwanag T. Pacios ng San Juan.
Napili ng mga hurado si Biares para sa kategoryang
Miss Congeniality at si Balbalec para sa Best in Ethnic Attire.
Natapos ang pagdiriwang sa masayang kainan at
pagpapakuha ng litrato ng lahat ng mga dumalo.
PADALA NA! |
CALL US! |