Hindi pumayag ang Magistrate sa Kowloon City na makalayang pansamantala ang dalawang Pilipina. |
Dalawang Pilipinang may kasong drug trafficking ang ibinalik sa piitan ngayon matapos ipinagpaliban ang paglilitis laban sa kanila sa Kowloon City Magistracy.
Si
Chamberlyn Cadelina, 39 taong gulang, ay nahaharap sa tatlong kaso.
Ang una
ay drug trafficking, na inihain laban sa kanya matapos siyang maaresto kasama
ang isang lalaking Bangladeshi sa isang silid sa Mirador Mansion sa Nathan Road noong Nov. 15
at nasamsam sa kanila ang 32 gramo ng methamphetamine hydrochloride o shabu at iba pang bagay na gagawing ebidensiya laban sa kanila.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Kinasuhan
rin siya ng pagkakaroon ng lason na kasama sa Part 1 ng Poisons List, na paglabag
sa Pharmacy and Poisons Ordinance, at overstaying dahil ayon sa kanyang visa,
dapat noong 2017 pa siya umalis sa Hong Kong.
Ang Bangladeshi
na kasama niyang nahuli, si Amit Foysal, 40, ay kinasuhan din ng drug
trafficking at pagkakaroon ng Part 1 poison.
Si
Foysal ay hindi nakarating sa pagdinig ngayon dahil may sakit, kaya ipagpaliban
ni Acting Principal Magistrate Peony Wong ang kanyang pagdinig sa Dec. 2.
Pindutin para sa detalye |
Dahil dito,
hiningi ng abogado ni Cadelina na payagan siyang mag-piyansa upang hindi siya maapektuhan
ng pagkaantala ng kaso, dahil hindi malaman kung hanggang kailan mananatili sa ospital
ang kasamahan niya sa kaso.
Itinaas
niya sa $3,000 ang alok na piyansa ni Cadelina mula sa $2,000. Sinabi rin nito
na nangako si Cadelina na mag-report sa istasyon ng pulis araw-araw at hindi
aalis sa tinitirhan niya.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Pero tumanggi si Magistrate Wong dahil mabigat ang kaso, malakas ang ebidensiya laban sa
kanya at overstayer siya noon pang 2017.
Ibinalik siya sa kulungan hanggang sa susunod ng pagdinig sa Jan 12.
Samantala,
pinagpalban din ang paglilitis ng kasong drug trafficking ni Rhea Nerissa
Maristela, 26 taong gulang at nagtatrabaho bilang waitress, dahil sa hiling ng pulisya
ng karagdagang anim na lingo upang suriin ang lahat ng drogang nakuha sa kanya nang
arestuhin siya sa Nathan Road sa Tsim Sha Tsui noong Oct. 13.
Press for details |
Sinabi
ng taga-usig na hindi pa natatapos ang pagsusuri ng pinaghihinalaang droga sa laboratory
ng gobyerno, kaya hiniling niyang ituloy na lang sa susunod na taon ang pagdinig.
Pinagbigyan
naman ito ni Magistrate Wong, at itinakda ang susunod na pagdinig sa Jan. 6.
Dahil hindi
niya hiniling na payagan siyang mag-piyansa, ibinalik si Maristela sa kulungan.
BASAHIN ANG DETALYE |
Matatandaan
na dalawang beses siyang nag-alok ng piyansa – $5,000 noong una at $7,000 sa
ikalawa -- upang maalagaan niya ang kanyang dalawang anak, pero tinanggihan ng
korte dahil sa bigat ng kasong kaharap niya (basahin ang naunang report dito: https://www.sunwebhk.com/2022/10/korte-tinanggihan-ang-dinagdagang-alok.html).
PADALA NA! |
CALL US! |