Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

2 Pilipinang akusado ng pagnanakaw, kulong habang nakabinbin ang kaso

09 November 2022

 


Isang domestic helper ang humarap sa Shatin Magistracy kaninang umaga matapos sampahan ng kasong pagnanakaw ng alahas ng amo niya na nagkakahalaga ng $292,000.

Si Marivic Hitalia, 35 taong gulang, ay inaresto ng pulis noong Oct. 28 sa bahay ng amo niya sa Lacosta, Ma On Shan.

PINDUTIN PARA SA DETALYE
HOW TO JOIN? PINDUTIN ANG AD

Ayon sa sakdal, ninakaw ni Hitalia ang pitong gintong kuwintas, 14 na gintong pulseras, tatlong gintong singsing at isang pares ng gintong hikaw sa pagitan ng Aug. 1 hanggang Oct, 28.

Upang bigyan siya ng panahong makakuha ng legal na payo, ipinagpaliban ni Acting Principal Magistrate David Cheung ang pagdinig ng kaso sa Dec. 13. 

Dahil hindi niya hiniling na magpiyansa, mananatili siyang nakapiit.

PINDUTIN PARA SA DETALYE
Press for details

Samantala, sa Kwun Tong Magistracy, ang Pilipinang nauna nang kinasuhan ng pagnanakaw ng $1,000 sa among taga Marina Cove sa Sai Kung at iligal na pagkopya ng dalawang salaping papel ng Hong Kong noong Oct. 7, ay binigyan ng hanggang Dec. 21 upang sagutin ang akusasyon sa kanya.

Kinatigan ni Acting Principal Magistrate Amy Chan ang pagtutol ng taga-usig sa hiling na magpiyansa si Maribel Erejer, 52 taong gulang, kaya ibinalik siya sa kulungan.

BASAHIN ANG DETALYE

Magugunitang nag-alok na piyansang $3,000 ni Erejer noong unang dininig ang kaso, na tinaggihan din ni Magistrate Chan sa kabila ng alok ng isang NGO, ang Bethune House, ng matitirhan kung saan pwede siyang habulin sakaling hindi siya sumipot sa susunod na pagdinig.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
PRESS FOR DETAILS

CALL US!
Don't Miss