The SUN
Kuha ng isa sa mga biktima habang nasa ambulansya (Facebook post) |
Dalawang Pilipino na kinasuhan ng mga pulis dahil sa nangyaring pananaksak at gulpi sa Wanchai noong Linggo ang humarap sa Eastern Court kanina.
Kinilala ang unang
akusado bilang si Romeo Dimatulac Miranda, 46 taong gulang, at isang
construction worker. Kinasuhan siya ng “wounding” sa pamamagitan ng pananaksak kay
Benson Jy
Mateo Agunoy sa labas ng palaruan sa Tai Wo Street sa Wanchai nong Oct. 9.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Si Miranda ay hindi pinayagang magpiyansa kaya mananatili
siya sa kulungan hanggang sa susunod na pagdinig sa kaso sa Nov. 24.
Ang pangalawang akusado ay si Delfin dela Cruz Villaremo, 55
taong gulang, at isang family driver. Kinasuhan siya ng “assault occasioning
bodily harm” o panggugulpi kay William Licban Maun sa kaparehong lugar sa
Wanchai.
Ang pangalawang akusado ay tumigil sa labas ng korte pansamantala pagkatapos magpiyansa |
Pinayagan si Villaremo na makalaya pansamantala sa bisa ng
$1,000 na piyansa, na may kundisyon na palagi siyang magre-report sa pulisya,
isu-surender ang kanyang pasaporte, at hindi aalis ng Hong Kong.
Ilang minuto pagkatapos ng pagdinig sa kaso ay lumabas sa korte si
Villaremo kasama ang dalawang Pilipina na nagbayad ng kanyang piyansa.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ang pinakamabigat na parusa sa parehong kaso ay tatlong taong pagkabilanggo ayon sa Offences Against the Persons Ordinance ng Hong Kong.
Ang dalawang akusado ay inaresto noong Martes ng umaga
matapos diumanong tumakas pagkatapos ng insidente noong Linggo, bandang 9:42pm.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Naaresto ang dalawa pagkalipas ng isang araw. Si Miranda ay
nakita sa isang lugar sa Wanchai samantalang si Villaremo ay sa Happy Valley
daw natagpuan.
Ayon sa mga pulis, hindi magkakilala ang mga akusado at mga
biktima, at nagkaroon lang daw ng pagtatalo dahil sa maliit na bagay.
PADALA NA! |
CALL US! |