Inurong ng taga-usig sa Shatin Magistracy ang kaso laban kay Dichoso |
Nakalaya ang isang Pilipino matapos iurong ng taga-usig sa Shatin Magistrates’ Court ang dalawang sakdal sa kanya na paglabag sa Immigration Ordinance.
Nag-flying kiss pa si Cris Dichoso sa mga tao habang ibinabalik siya ng mga pulis sa silid ng mga akusado sa korte noong Biyernes (Oct. 14), upang simulan ang proseso ng kanyang pagpapalaya.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
|
Si Dichoso, 35 taong gulang, ay kinasuhan ng Immigration
Department ng paglabag sa Section 11 ng Immigration Ordinance dahil nanatili
siya sa Hong Kong matapos mawalan ng bisa ang kanyang visitor’s visa noong
April 14, 2014, hanggang mahuli siya nitong Aug. 17 ng taong kasalukuyan.
Maliban sa pag-overstay, kinasuhan din si Dichoso ng illegal
na pagtatrabaho, dahil naaktohan siyang nagsisilbi bilang bartender sa Sai Ying
Pun noong mahuli siya.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Nang simulan ang pagdinig sa harap ni Acting Principal
Magistrate David Cheung, tumindig agad ang taga-usig upang ipahiwatig ang pag-urong ng unang sakdal laban kay Dichoso.
Hindi niya ipinaliwanag kung bakit inuurong ang kaso.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Tinanong ni Magistrate Cheung ang abogadong nagtatanggol kay
Dichoso kung may tutol ito sa hiling ng taga-usig, at sumagot naman ito ng
hindi.
Sa pag-urong ng unang kasong overstay, nawalang saysay ang ikalawang kaso kaya hindi na ito nabanggit.
PADALA NA! |
CALL US! |