Ng The SUN
Hitsura ng cannabis resin, o pinatuyong marijuana (File) |
Nakitaan diumano ng isang plastic bag na may lamang 0.69 na gramo ng pinatuyong marijuana ang isang Pilipina na papeles para sa “recognizance”, o patunay na nilalabanan niya ang sapilitang pagpapauwi sa kanya.
Hindi hiningan ng “plea” (pagsang-ayon
o pagtanggi sa sakdal) si Mari Miriam Manrique, 38 taong gulang nang humarap sa
Eastern Magistracy kaninang umaga.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Sa halip, pumayag si Magistrate Ada
Yim sa hiling ng tagausig na pag-aralan pang maigi ang mga dokumento sa kaso,
at manghingi ng karagdagang payong legal bago hingin ang kasagutan ng akusado
sa sakdal laban sa kanya.
Ipinagpaliban ang panghingi ng plea ni
Manrique sa Dec 1. Samantala, muli siyang pinayagang magpiyansa ng $1,000 para
sa pansamantala niyang paglaya.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Hinuli si Manrique noong Enero 21 ng
taong kasalukuyan matapos makita sa kuwartong inuupahan niya sa 10 Yiu Wa
Street sa Causeway Bay ang cannabis resin, o pinatuyong mariuana.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
May mga gamit din sa paghitit ng illegal
na gamot ang nakita sa kanyang silid, kasama ang ilang plastic bag na karaniwan
nang ginagamit na lalagyan ng pinagbabawal na gamot.
PADALA NA! |
CALL US! |