Ni Daisy CL Mandap
Ang singsing na napulot ni Beth Rizardo ay may kakaibang marka sa loob |
Sa gitna ng mga nakakapanlambot na kuwento ng nakawan
na sangkot ang mga Pilipinang migrante sa Hong Kong ay isang nakatutuwang
balita ang lumabas sa Facebook page ng Social Justice for Migrant Workers ngayong
araw ng Miyerkules.
Ito ang pagkakapulot ng isang gintong singsing na may
mga brilyante ng isa sa mga administrator ng Social Justice na si Beth Lagunday
Rizardo.
Hindi siya nag-atubili na dalhin agad ang singsing sa
Tai Wai Police Station pagkatapos kunsultahin ang isang kaibigan kung ano ang
kanyang dapat gawin.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Napulot daw niya ito noong Linggo, bandang 7pm sa istasyon
ng MTR sa Tai Wai.
“Papasok ako ng train nang makita ko. Akala ko kung
ano. Sinipa ko, tapos pinulot ko sabay takbo sa loob ng train dahil magsasara
na ang pinto,” sabi ni Rizardo.
Natakot daw siya nang makita kung ano yung kanyang
napulot dahil baka nakita siya sa CCTV sa malapit, at baka pagbintangan siyang
ninakaw niya.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ang takot ding ito ang dahilan kung bakit hindi siya
pumunta sa sanlaan para sana ipasuri ang singsing.
Ang ginawa niya ay pinakita niya sa isang kaibigan ang
singsing, at sabay nilang tiningnan kung tunay ba itong ginto. Base sa nakita
nilang nakaukit na marka sa loob singsing ay gawa ito sa 18k na ginto, at
malamang na sa Europa dinisenyo.
MAY CHANCE KA PANG MANALO! |
Nang ikumpara nila ang presyo ng mga kaparehong
singsing ay nalaman nila na malamang na hindi bababa sa $10,000 ang halaga
nito. May tampok kasi itong malaking brilyante sa gitna, at anim na mas maliliit
na brilyante sa paligid.
Paglabas ni Rizardo kaninang umaga para mamalengke ay
diniretso na niya ito sa police station kung saan binigyan siya ng kapirasong
papel na nagsasabi na kapag walang naghanap sa singsing sa loob ng tatlong
buwan ay mapapasakanya na ito.
Press for details |
Ginawa niya daw ito “para maiba naman ang pagtingin ng
mga pulis sa ating mga Pinay.”
Dagdag niya, “Lahat na lang kasi ng mga kuwento ngayon
puros pagnanakaw ng alahas na gawa ng mga Pilipina,” sabi pa niya.
Sabi ni Rizardo, natakot siyang mapagbintangan na ninakaw ang singsing |
Si Rizardo, na 10 taong nang nagtatrabaho sa Hong Kong, ay isa sa mga tagapamahala ng Facebook page ng Social Justice at siya ang nangunguna sa pamamahagi ng ayuda sa mga Pilipinong migrante na nasa ospital o isolation centre.
Dagdag niya, umaasa siya na ang lahat ng makakabalita
sa ginawa niyang pag surrender ng singsing sa pulis ay gagayahin ito, dahil
siyang dapat.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ayon sa batas ng Hong Kong, ang lahat ng bagay na mapupulot sa publiko, kahit ano ang halaga at hindi alam kung sino ang may-ari, ay dapat ibigay sa pulis, para sila ang magpapaanunsyo tungkol dito.
Kung wala namang aangkin nito sa loob ng tatlong buwan ay ibibigay na ito sa nakapulot, liban na lang kung hindi ito pwedeng ipangalan o ipasa sa iba, katulad ng tseke, ID o susi, o dili kaya ay naglalaman ng sensitibong impormasyon tungkol sa may-ari.