Humarap si Tiquia sa Eastern Court para harapin ang mga sakdal |
Isang Pilipinong 50 taong gulang ang kinasuhan sa Eastern Court lahapon (Oct. 17) ng apat na beses na paggawa ng kalaswaan sa isang menor de edad na babae sa loob ng apat na taon.
Si Joel Tiquia, isang IT manager na nakatira sa Tung Chung, Lantau,
ay inakusahang gumawa ng kalaswaan sa batang tinawag lang na “X” sa isang flat
sa Carribean Coast sa Tung Chung.
Ayon sa reklamo ng pulis, ang unang insidente ay nangyari noong Abril 2017 noong ang bata ay pitong taong gulang pa lamang.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ang ikalawang kaso ay nangyari noong Mayo 2018 nang ang bata
ay walong taong gulang.
Ang ikatlo ay nangyari noong May 10, 2020 noong ang bata ay
10 taong gulang.
Ang ikaapat ay noong Oct. 6, 2021 nang ang bata ay 11 taong
gulang.
Ayon sa Crimes Ordinance ng Hong Kong, ang paggawa ng
kahalayan ay isang krimen na may parusa na hanggang 10 taong pagkakakulong.
Press for details |
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ayon din sa batas na ito, ang ganitong gawain ay itinuturing
na krimen kapag ginawa sa mga batang hanggang 16 taon gulang, dahil wala silang
legal na kakayahang pumayag.
Unang isinampa ng pulis ang kaso laban kay Tiquia sa Shatin
Magistracy noong Oct. 14, pero inilipat ito sa Eastern Court nitong Lunes, at dininig ni Magistrate Jason Wan.
Pansamantalang nakakalaya si Tiquia sa piyansang $50,000 at surety
(o garantiya) na $50,000.
Itutuloy ang pagdinig ng kaso sa Jan. 3.
PADALA NA! |
CALL US! |