Hindi sumipot ang Pilipino sa Eastern Court kaya di nalaman na inatras na ang kaso laban sa kanya |
Hindi sumipot ang isang Pilipino sa Eastern Magistrates’ Courts ngayon (Oct. 3), kaya tuloy hindi niya nalaman na wala na siyang kasong dapat harapin, dahil iniurong na ang mga ito ng taga-usig.
Isinakdal si Renden Tugade, 37 taong gulang at aplikante sa
asylum, sa kasong pagsusugal sa isang hindi lisensiyadong pasugalan na labag sa Gambling Ordinance, hindi
pagdala ng pagkakakilanlan na labag sa Immigration Ordinance, at hindi pagsunod
sa Prevention and Control of Disease (Requirements and Directions)
(Business and Premises) Regulation.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Isinakdal si Tugade matapos maaresto siya ng isang pulis sa isang ilegal na pasugalan sa Coronet Court sa King’s Road, North Point noong Aug. 5.
Nang hanapan siya ng HKID, nabigo siyang magpakita nito,
dahil ang hawak niya ay recognizance form (na nagpapakitang humihiling siya na
payagang maglagi sa Hong Kong kahit walang visa), na siyang dahilan ng kanyang
ikalawang sakdal.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ang ikatlong sakdal ay nagsasabi lang na hindi sumunod si Tugade sa mga utos ng Kalihim (Chief
Secretary for Administration), at isa sa mga utos na ito ang pag-scan ng QR code
sa ilalim ng Vaccine Pass.
Nang malamang wala si Tugade
matapos tawagin ang kaso niya, inutos ni Principal Magistrate Peter Law ang
pag-aresto sa kanya, at pag-kansela ng kanyang piyansa.
Pero tumayo ang taga-usig at sinabi na matapos humingi ng
payong legal, inuurong nila ang lahat ng sakdal laban kay Tugade. Hindi niya
ipinaliwanag kung bakit nagdesisyon sila nang ganito.
Dahil dito ay inutos na lang ni Magistrate Law ang pagbabalik ng $600 na piyansang ibinayad
ni Tugade, upang pansamantalang makalaya -- kung siya ay magpapakitang muli sa korte.
Press for details |
Samantala, isang Pilipinang nagpapatakbo ng isang restaurant
ang humarap sa kaparehong korte para sagutin ang dalawang kaso ng pagdadala ng cocaine sa dalawang magkahiwalay na insidente, pero sa iisang araw.
Si Imelda Balik, 53 taong gulang, ay nahuli ng pulis sa
harap ng isang restaurant sa Staunton St., sa SoHo sa Central, noong May 28 na diumano ay may dalang botelya na may lamang .4 gramo ng cocaine.
Nang dalhin na siya sa Central Police Station sa Sheung Wan ay nakitaan siya ng isa pang botelya na may .08 na gramo ng cocaine, at dalawang plastic na bag na naglalaman din ng cocaine na may kabuuang timbang na 0.52 gramo
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Pinayagan siyang magpiyansa ng $500 hanggang sa susunod na pagdinig ng kanyang kaso sa Nov. 25.
|