Didinggin ang kaso sa District Court ang kaso dahil sa laki ng halagang sangkot |
Iniakyat ngayon ang kaso ng isang Pilipinang manager mula sa Eastern Magistracy matapos basahan siya ng sakdal na pagnanakaw ng $5.74 million mula sa pera sa bangko ng dalawang kumpanya.
Nakalayang pansamantala si Kristine Annette Avelino, 34
taong gulang, hanggang sa simula ng pagdinig ng kanyang kaso sa District Court
sa Nov. 11, sa bisa ng pyansang $60,000 na itinakda ni Principal Magistrate Ada
Yim.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Sa unang sakdal, inakusahan si Avelino ng pagnanakaw ng $5.4
million mula sa mga deposito ng Cosman Health Group Ltd. sa Chong Hing Bank.
Ang pagnanakaw ay ginawa umano sa loob ng limang taon, mula
noong May 2, 2012 hanggang April 24, 2017.
Press for details |
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Sa ikalawang sakdal, inakusahan si Avelino ng pagnanakaw ng $344,044
mula sa account ng isa pang kumpanya, ang Work Life Balance Limited, sa Dah Sing Bank, sa loob ng apat na buwan mula Nov. 10, 2017 hanggang Feb. 27, 2018.
Sa ilalim ng Section 9 ng Theft
Ordinance, ang sinumang mapatunayang nagnakaw ay paparusahan ng hanggang 10 taon na pagkakakulong.
PADALA NA! |
CALL US! |