Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Pilipina, napigilan ma love scam ang kaibigan na pasaway

22 October 2022

Ng The SUN

 

The same face is used in several accounts by scammers (Catch the Catfish page)

Kung may biglang nanligaw sa iyo online na lalaking puti, makisig, matipuno ang katawan at nagpakilalang piloto, doktor, sundalo o negosyante, magduda ka na dahil malamang na scammer yan. Lalo at nag-umpisa nang manghingi ng pera.

Ito ang napatunayan ng isang Pilipinang domestic helper na nakakuha ng maraming ideya tungkol sa mga ganitong panloloko o love scam sa isang Facebook at Instagram page na ang pangalan ay “Catching the Catfish.”

Sa pamamagitan nito ay natulungan ni Venus (hindi tunay na pangalan) na pigilan ang isang kaibigan na kapwa domestic worker din sa Hong Kong na maloko ng isang nagpakilala na Amerikanong negosyante.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

“Ang gagaling ng mga sinasabi sa kanya,” sabi ni Venus tungkol sa internet boyfriend ng kaibigan. “Sa kapapanood ko sa youtube about scammers alam ko na na scam yun, ang kaso sabi (niya) hindi daw, totoo daw.”

Dahil sa kagustuhang matigil ang kahibangan ng kaibigan ay ipinadala ni Venus sa administratot ng Catfish ang litratong binigay ng lalaki.

“Ayun, sinabi nung admin ng Catfish na scammer nga yun kasi yung ginamit na litrato ay isang reporter sa USA na gay,” dagdag niya.

Pindutin para sa detalye

“So sinabi ko sa friend ko, then medyo naniwala naman, so pinayuhan ko na huwag na siyang tatanggap ng mga tawag o mag ‘add friend’ sa FB kasi yung lalaki na unang nang scam sa kanya ay gagawa ulit ng panibagong account.”

Ang masaklap lang, sabi ni Venus, ay may bago na namang ka-chat ang kaibigan niya, at tiyak daw niya na scammer din yun, dahil namarkahan na ang account nito sa Facebook na madaling magpaniwala sa mga bolerong lalaki sa internet.

“Sinabihan ko na lang siya na huwag magpapadala ng pera o magbibigay ng address at bank account niya sa bagong ka chat niya,” sabi pa ni Venus.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Gusto din daw niyang ipaabot sa iba pang kapwa niya domestic worker na mag doble ingat sa pakikipagkaibigan sa internet dahil marami ang nabibiktima ng mga tinatawag ng love scam o “romance fraud” na siyang ginagamit sa mga post sa Catfish.

Kapag binuksan ang Facebook page na ito ay makikita ang maraming larawan na ginagamit ng mga sindikato para makasilo ng mga babaeng nangungulila at naghahanap ng atensyon – na gagamitin nila para magkapera – tapos ay biglang maglalaho.

Paboritong nakawin ng mga scammer ang litrato ng mga tunay na piloto (Catch the Catfish photo)

Ang mga litrato na pinapakita sa account ay mga tunay na tao na guwapo at mukhang mababait. Ang ilan ay may kasama pang mga bata para makumbinsi ang kausap na mapagmahal sila.

Lingid sa mga taong ito ay kinukuha ng mga sindikato ang kanilang mga litrato at ginagamit para mambola ng mga babae sa internet, at pagkatapos ay pagkakwartahan nila.

Ganito ang nangyari noong Hulyo kay Lily, isa ring domestic helper, na nagkandautang-utang dahil nagpadala ng pera na umabot sa halos $113,000 sa isang ka-chat na nagpakilala bilang si “David Morgan” –isang inhenyero na nagtatrabaho din sa gym.

Press for details

Ang litratong pinadala nito kay Lily ay tunay namang makalaglag-mata – makinis na makinis ang balat ng blonde na lalaki na kulay asul ang mga mata, at mukhang mabait.

Pero matapos nitong malimas ang mga perang pinag-ipunan ni Lily ng ilang taon, at pati na ang malalaking halaga na inutang niya at pinautang pa sa kapatid, ay bigla na lang naglaho ang ka-chat, at blocked na rin siya sa WhatsApp number na dati nilang ginagamit para mag-usap.

Ayon sa Catfish, ganito ang karaniwang estilo ng mga nasa likod ng ganitong mga panloloko, na base sa mga naglalabasang mga balita ngayon, ay isang malaking sindikato na may kasangkot sa iba-ibang parte ng mundo, bagamat ang mga utak ay mukhang nasa Africa.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Mula sa mga dating site sa Facebook, LinkedIn o iba pang social media platform ay ililipat ng manloloko sa WhatsApp ang kanilang usapan dahil mas mahirap daw makilala at mahabol ang mga gumagamit nito.

Sa kaso ni Lily, ang halos kalahati sa perang nakuha sa kanya ay sa iba-ibang tao sa Pilipinas ipinapadala ni “Morgan” at ang kalahati ay sa isang bitcoin account na hindi tukoy kung sino ang may-ari.

Bagamat para sa isang domestic worker ay napakalaking halaga na ng nabudol kay Lily ay ga-patak lang ito sa perang ninakaw ng isang babaeng Thai na chief financial officer ng isang malaking kumpanya sa Thailand para ibigay sa isang ka-chat na nagpakilala bilang Amerikanong doktor sa army.

Sa loob ng ilang buwang pagliligawan ay nagpadala ang 50 anyos na si Chamanum Phetporee ng 6.2 billion baht (o US$250 million) sa ka-chat na nakilala niya sa LinkedIn at ang binigay na pangalan ay Dr Andrew Chang.

Naputol lang ito nang mabisto ang ginawang pagnanakaw ng babae sa kumpanyang pinagtatrabahuan niya. Bukod sa perang kanyang ninakaw ay nalimas din ang lahat ng kanyang ipon.  

Sa isinagawang imbestigasyon ng Central Intelligence Bureau ng Thailand ang lalaki sa litrato na pinadala sa biktima ay isang inosenteng lalaki na taga Malaysia.

Ayon kay Venus, natatakot pa rin siya na mapahamak ang kanyang kaibigan dahil may bago na naman itong ka-chat at hindi na nagkukuwento sa kanya.

“Sabi ko nga sa kanya, kapag totoo yan, ate, isa ako sa magsasaya na maiiba ang takbo ng buhay mo. Balo naman na siya so may karapatan siyang lumigaya.”

Ganunpaman, sana daw ay hindi na sa mga guwapo mahuhulog ang loob ng mga Pilipinang naghahanap ng mapapangasawa.

“Pag sobrang gwapo na siguro ang ka-chat maghinala na sila,” dagdag niya. “Sabi ko nga sa sarili ko, pag ganyan ka pogi siguro naman ang daming nakikita yan sa mga bar o pasyalan na napupuntahan nila.”

Kahit sino daw ay gustong makaahon, pero dapat ay sa paraang mas realistiko o malapit sa katotohanan. Ibinigay niyang halimbawa ang isa pa niyang kaibigan na ang ka-chat ay isang karpintero, na mas mababa man ang narating sa buhay ay tunay naman ang kalooban.

“Noong birthday niya (kaibigan ni Venus) ay pinadalhan siya ng 10,000 pesos,” dagdag niya.

Gayunpaman, ang tunay na pag-ibig ayon sa kanya, ay hindi dapat nasusukat sa pera.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

CALL US!
Don't Miss