Isa sa mga nahuli sa mga raid na ginawa noong Aug 15-18. |
Isang Pilipina na nabistong overstay na nang 14 na taon nang mahuli ng mga pulis at ahente ng Immigration sa isang bar na kanyang pinamamahalaan sa Central, ang humarap sa Eastern Courts ngayon (Oct. 5) upang sagutin ang limang asunto laban sa kanya.
Pero hindi nagkaroon ng pagkakataon na magsalita si Mary Jane Batalla, 52
taong gulang, dahil hiniling ng taga-usig na ipagpaliban ang pagdinig sa Nov.
30 dahil kailangan nila ng karagdagang legal na payo at tiyakin na sapat ang
ebidensiyang nakalap laban sa kanya.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Sinang-ayunan ni Principal Magistrate Peter Law ang hiling ng
taga-usig.
Dahil hindi hiniling ni Batalla na payagan syang magpiyansa,
ibinalik sya sa kulungan hanggang sa susunod na pagdinig.
Press for details |
Nahuli si Batalla nang mag-raid ang pulis at Immigration sa bar na kanyang pinagtatrabahuan sa 8th floor ng Fai Man Bldg., sa Li Yuen
Street West sa Central noong Aug. 15 kaugnay ng kanilang “Operation Champion” laban
sa ilegal na pagtatrabaho.
Kasama si Batalla sa 10 inaresto sa mga raid na ginawa sa 92 negosyo sa Central at New Territories mula Aug. 15 hanggang Aug. 18.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Inakusahan si Batalla ng pagtitinda ng alak nang walang lisensiya, pagtatago ng mga inuming ito para ibenta, pagtatrabaho
nang walang kaukulang visa, overstaying ng 14 na taon, at pagpapatakbo ng
negosyo na labag sa mga patakaran kontra sa Covid-19.
Sinabi ng taga-usig na nakumpirma na ng Government Laboratory
na ang nasamsam na mga bote ng inumin ay may sangkap na alcohol, at nakumpirma
na rin ng Immigration Department na nag-overstay si Batalla. Dumating siya sa Hong Kong bilang turista at pinayagang manatili lang nang hanggang July 7, 2008.
|