Ang gusali sa Tseung Kwan O kung saan nangyari umano ang pananakit. |
Isang Pilipina ang itinakdang litisin sa Jan 11-12, 2023 sa Kowloon City Magistracy matapos na tumanggi siya sa akusasyong sinaktan niya ang apat na taong gulang niyang alagang babae, dahilan para maipeksyon ang ari nito.
Sinabi rin ng abogadong nagtatanggol sa kanya na handang
tumestigo si Rizalee Oyson, 39 taong gulang.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Bago payagang makalaya sa piyansang $500, pinaalalahanan ni
Magistrate Stephanie Tsui si Oyson na kailangan niyang makipagtalastasan sa abogadong
itinalaga sa kanya ng Duty Lawyers Service ng korte, upang maging handa siya sa
pagdinig.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Idinagdag niya na hindi papayagang maantala ang paglilitis dahil lang walang abugadong magtatanggol kay Oyson.
Sa panig naman ng taga-usig, limang testigo ang ihaharap nila
sa paglilitis, kasama ang bata at ina nito.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Kabilang sa mga ebidensiyang inihahanda nila ang video
recording ng pagtatanong ng pulis kay Oyson matapos itong arestuhin noong Nov.
19, 2021 sa bahay ng kanyang amo sa Capri, sa Tseung Kwan O.
MAY CHANCE KA PANG MANALO! |
Unang tinawag si Oyson sa isang pagdinig sa Kwun Tong Court upang basahan ng kaso, kung saan inakusahan siya na nanakit sa kanyang alagang bat, dahilan para ito magsanhi ng kakaibang paghihirap, na paglabag sa Section 27(1) ng Offenses Against the Person Ordinance.
Nagsimula ang kaso laban sa kanya nang biglang umiyak ang kanyang alagang bata, na apat na taong gulang, habang pinaliliguan niya ito noong Nov. 19, 2021. Nagreklamo ito na masakit ang kanyang ari.
Tumawag ng pulis ang ama ng bata at ipinaaresto si Oyson.
Pero ayon sa Pilipina, nangyari ito matapos siyang tanungin ng amo kung payag siyang pumirma ng bagong kontrata, dahil malapit nang matapos ang una, at tumanggi siya. Nakakita na rin siya ng among lilipatan, na suportado siya sa kasong ito.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Noong Oct. 24, inutos ni Acting Principal Magistrate Amy Chan ng Kwun Tong na ilipat ng kaso sa Kowloon City Magistracy Courts.
Ang kasong hinaharap ni Oyson ay paglabag ng Section 27(1) ng Offenses Against the Person Ordinance, na nagtatakda ng parusang aabot sa sampung taong pagkabilanggo, depende sa bigat ng pagkakasala.