Inamin ng Pilipina ang sakdal nang humarap sa West Kowloon Magistrates' Court. |
Isang Pilipinang domestic helper ang ipinakulong nang 10 linggo at pinagbayad ng $1,500 matapos siyang umamin sa West Kowloon Magistracy na nagnakaw ng $6,000 sa kanyang amo sa Mong Kok, Kowloon.
Inamin ni Rubilyn Lagmay, 46 taong gulang, na kinuha niya
ang pera sa mga red packet na nakatago sa drawer sa silid ng kanyang amo.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ayon sa sakdal, naglagay ng tig-$2,000 at $1,000 sa mga pulang sobre ang amo ni Lagmay para ipamigay sa nakaraang Chinese New Year noong
Pebrero, at itinago niya sa kanyang drawer ang mga hindi naipamigay.
Noong Aug. 2 ay nadiskubre niyang nawawala ang tatlong red
packet na may lamang tig-$2,000, at tumawag siya ng pulis.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Sa paghingi ng mas mababang sentensya, sinabi ng abogado ni Lagmay na ang Pilipina ay may malinis na rekord
mula nang dumating sa Hong Kong bilang domestic helper noong 2015, at
nagawa lang niyang magnakaw dahil nangailangan siya ng malaking halaga
matapos maaksidente at maospital ng kanyang anak na lalaking 23 taong gulang.
Sinabi rin niya na nagsisisi ang Pilipina at gustong ibalik ang kanyang ninakaw, pero ang mayroon lang siya ay $1,000.
Ayon kay Magistrate Peter Yu, kailangang makulong si Lagmay dahil
seryoso ang ginawa niyang paglabag sa tiwala ng kanyang amo.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Mula sa 15 buwang pagkakakulong, binawasan niya ng 1/3 ang parusa
ni Lagmay dahil sa pag-amin nito, at ipinabayad ang hawak niyang $1,000 sa kanyang
amo. Nang maalala niyang may $500 na piyansa pang mababawi si Lagmay sa korte,
idinagdag niya ito sa ipinababayad sa amo.
Agad na binalik sa kulungan si Lagmay pagkatapos para pagdusahan ang nagawa niyang kasalanan.
PADALA NA! |
CALL US! |