15 buwang kulong ang ipinataw sa Pilipina sa pagdinig sa Shatin Magistracy. |
Isa sa mga Pilipinang inaresto sa isang raid sa isang restaurant sa Repulse Bay ang ikinulong nang 15 buwan dahil sa pagkakaroon ng pekeng HKID at pagtatrabaho nang ilegal.
Inamin ni Ginalyn
Malcat sa pagdinig ng kanyang kaso sa Shatin Magistracy, ang dalawang kasong isinampa laban sa
kanya pero hindi ito binigyang halaga ni Acting Principal Magistrate David
Cheung nang ipataw nito ang karaniwang parusa nang walang bawas.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Para sa
paggamit ng pekeng Hong Kong ID na nakapangalan sa kanya bilang permanent
resident, na paglabag sa Registration of Persons Ordinance, pinatawan si Malcat
ng 12 buwan sa kulungan.
Para sa illegal
na pagtatrabaho, dahil ang isang asylum seeker na gaya niya ay bawal magtrabaho
sa Hong Kong, may bayad man o wala, sa ilalim ng Immigration Ordinance, pinatawan siya ng 15 buwan.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ang tanging
pagluluwag na ibinigay kay Malcat, 38 taong gulang at hiwalay sa asawa, ay ang utos ni Magistrate
Cheung na sabay niyang pagsilbihan ang dalawang sentensya.
Kasabay ni
Malcat na humarap sa korte si Sally Gelotin, 42 taong gulang na domestic helper,
na humingi na ipagpaliban ang pagdinig sa kanyang kaso upang magkonsulta sa
abugado tungkol sa kaso niyang ilegal na pagtatrabaho sa naturan ding restaurant.
MAY CHANCE KA PANG MANALO! |
Itinakda ni
Magistrate Cheung ang susunod na pagdinig ni Gelotin sa Nov. 16, at itinuloy
ang bisa ng kanyang piyansang $2,000 at iba pang kondisyon.
Sina Malcat at
Gelotin ay magkasamang nahuli sa isang operasyon ng Immigration Department na
tinawag na “Twilight” noong Sept. 23.
Press for details |
Kasama sila
sa apat kataong inaresto dahil sa ilegal na pagtatrabaho sa operasyong isinagawa
ng mga kagawad ng Immigration sa 11 lokasyon noong araw na iyon.
Nahuli rin ang tatlong employer at isang tumutulong sa kanila.
Samantala,
sa hiwalay na pagdinig, pinatawan ng walong linggong pagkabilanggo si Roxan
Siwao, 40 taong gulang, dahil sa pag-overstay niya nang tatlong taon at isang
buwan.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Dapat kasi
ay umalis na si Siwao noon pang Aug. 20, 2019, pero namalagi siya sa Hong Kong
hanggang sumuko siya noong Sept. 16, 2022.
Dahil sa pag-amin ni Siwao sa kasalanan, binawasan ng tatlong linggo ni Magistrate Cheung ang simulang parusa na 13 linggo, at binawasan pa ng karagdagang dalawang linggo dahil sa kanyang pagsuko, kaya ang naiwang sentensya ay walong linggo.