Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Pilipina, ikinulong ng 6 na buwan dahil sa pagnanakaw ng alahas at makeup ng amo

24 October 2022

Umamin ang Pilipina sa dalawang kaso ng pagnanakaw pagharap sa Kwun Tong Magistracy.

Ikinulong nang anim buwan ang isang Pilipina na unang tumangging nagnakaw ng samu't saring bagay mula sa amo na may kabuuang halagang $103,500, pero umamin nang magsimula ang paglilitis ng kanyang kaso sa Kwun Tong Magistracy kanina, Oct 24.

Nagpahayag si Rhea Labrador, 38 taon gulang, na aamin sa dalawang kasong iniharap sa kanya matapos ang higit sa isang oras na pag-uusap sa pagitan niya kasama ang kanyang naatasang abogado, at ang taga-usig.

Sinabi ni Magistrate Lam Tsz-kan na sa mga nakaraang kaso na ang ninakaw ay $250,000 o higit pa, ang karaniwang parusa ay hindi bababa sa dalawang taong pagkabilanggo.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ang ipanataw ni Magistrate Lam kay Labrador ay 12 buwan, na binubuo ng siyam na buwan sa unang kasong pagnanakaw ng mga bagay na nagkakahalaga ng $100,000; at anim na buwan sa ikalawang kaso na ang ninakaw ay may halagang $3,500.

Pero dahil sa pag-amin ni Labrador, binawasan niya ito ng 1/3, kaya ang natirang sentensiya niya ay anim na buwan sa unang kaso at dalawang buwan sa pangalawang kaso. Dahil inutos din ni Lam na sabay na pagsilbihan ang dalawang parusa, naging anim na buwan na lang ang kulong ng Pilipina.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Si Labrador ay inereklamo sa pulis ng kanyang among si Chiu Wing Hei at kasamahan nito sa trabaho na si Nancy Chiu Ng na nagnakaw ng samu't saring bagay sa bahay nila sa Silver Terrace Road, Tseung Kwan O mula noong Dec. 1, 2021 hanggang June 20, 2022.

Ang inamin niyang ninakaw mula sa kanyang amo na may kabuuang halagang $100,000 ay (1) isang hikaw na may tatak na Bulgari, (2) isang kwintas, (3) isang 10-cent Malaysian ringgit coin, (4) isang card holder, (5) tatlong lipstick, (6) dalawang case ng eye shadow, (7) isang bote ng face cream, (8) anim na bote ng pabango, (9) isang bote ng hand sanitizer, (10) isang bote ng face concentrate, (11) isang paper box (12) tatlong mascara, (13) isang eyebrow pencil, (14) isang bote ng makeup remover, (15) apat ng tubo ng facial cream, (16) isang bote ng sun screen cream, (17) dalawang pakete ng shampoo, (18) isang cosmetic sponge, (19) tatlong ballpen.

Press for details

Ang ninakaw naman ni Labrador kay Nancy Chiu Ng na nagkakahalaga ng $3,500 ay: (1) isang pares ng Gucci na sapatos na may takong, (2) isang payong, (3) tatlong supot (4) dalawang notebook at (5) 118 red packet na walang laman.

Maliban sa mga alahas at sapatos, ang mga abubot na sinabing ninakaw niya ay ipinatatapon ng amo niya, pero kalaunan ay nakita sa kanyang mga gamit.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Inutos ni Magistrate Lam na ibalik sa dalawang may-ari ang lahat ng mga ito, na ginamit bilang ebidensiya.

Napagbintangan si Labrador sa pagnanakaw dahil siya lang ang nakakapasok sa kwarto ng kanyang amo upang maglinis.


Don't Miss