Mapang nagpapakita ng sirkulasyon ng hangin. (HKO photo) |
Binabantayan ng Hong Kong Observatory ang dalawang namumuong bagyo sa magkabilang gilid ng Luzon, at mararamdaman ang dalang hangin ng isa sa kanila sa papasok na linggo.
Dahil low pressure area (LPA) pa lang, hindi pa
pinapangalanan ang pamumuo ng kumpol ng mga ulap sa kanluran ng Luzon (na ang
sentro ay nasa 650 kilometro sa kanluran ng San Jose, Occidental Mindoro), pero
inaasahang magsasanhi ito ng paagbugso ng hangin at ulan sa malaking bahagi ng
South China Sea sa pag-usad nito pakanluran.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Sa Hong Kong, ang epekto nito ay mararamdaman sa manaka-nakang pag-ulan at bugso ng hangin, at pagbaba ng temperatura sa 21
degrees celsius sa umaga ng Martes, na inaasahan pang bumaba sa 21 degrees sa
Miyerkules.
Ang Tropical Depression Maymay naman na nasa 190 kilometro
sa silangan ng Casiguran, Aurora, ay inaasahang lalakas din at tatawid sa
hilagang Luzon papuntang South China Sea. Pero hindi pa matanto ang epekto nito sa Hong Kong dahil marami itong dadaanan na maaring makaapekto sa direksyon nito sa mga susunod na araw.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Pero bago dito, tag-init muli mula bukas hanggang Lunes, at
inaasahan ang temperaturang 24 degrees sa umaga at 30 degrees sa hapon
Nakataas pa rin ang Red (o pula) Fire Danger Warning dahil
sa mataas na panganib na magkasunog, lalo na sa mga tuyong damuhan sa gilid ng
mga bundok.
Pinaalalahanan ang mga aakyat ng bundok na magbaon ng luto
nang pagkain upang hindi na magsimula ng apoy at maiwasang magka-sunog.
Ang parusa sa pagsisimula ng sunog sa mga bundok ay multang $25,000
at isang taong pagkabilanggo.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Pinaalalahanan din sila na maging alerto kapag makakita ng usok,
kahit malayo, dahil mabilis kumalat ang sunog sa mga panahong ito.
PADALA NA! |
CALL US! |